Rumored celebrity couple, confirmed na nagde-date!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

6/7/2011 12:00 AM
Rumored celebrity couple, confirmed na nagde-date!


060711-blinditem.jpgMay ilang linggo na ring hinuhulaan ng madlang pipol kung totoo nga bang mag-on na ang rumored celebrity couple na ito.

Pareho silang hindi artista, pero madalas silang laman ng chikahan sa showbiz dahil sa mga nakarelasyon nilang artista in the past. Si girl ay ilang taon ding nakarelasyon ng isang super sikat na actor. Si guy naman ay mula sa isang political family, pero naging mas maingay ang pangalan niya after ma-witness ng bayan ang kinahinatnan ng relasyon niya sa isang TV host after nitong sumali sa isang reality show.

Spotted this week ang rumored celebrity couple sa last full show ng isang foreign movie sa sinehan ng isang sosyal na mall along EDSA. Parehong nakasuot ng black na damit ang dalawa at very simple at casual lang kung kumilos, tila nagpapaka-low profile at ayaw nilang mapansin sila ng mga taong nasa paligid. Sa pinakalikod ng sinehan naupo ang dalawa at matapos ang pelikula, hinintay nilang makalabas na muna ang lahat ng tao bago sila umalis ng sinehan. Wala namang nakakaloka sa mga kaganapan that night. In fact, nakakakilig nga silang tignan dahil despite their busy work schedule and celebrity status ay nagagawa pa rin nilang maging isang normal na couple na nagde-date at naglalaan ng oras to be with each other.

We can neither confirm nor deny kung mag-on na nga sila, but we can definitely say that they are dating. And by the looks of it, nasa more than friends na ang level nila! Yun na!