• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla admits love related issues make him very emotional

Robin Padilla admits love related issues make him very emotional

The action star reveals he's not as tough as the role he portrays on screen.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/6/2011 12:39 AM
Robin Padilla admits love related issues make him very emotional


060611-robin-main.jpgGaya ng kanyang mga role sa pelikula, sa tunay na buhay ay matulungin si Robin Padilla. Kuwento niya, “Nilikha naman tayo ng Panginoong Diyos para magtulungan, hindi magdamutan. Ako’y pinalaki ng aking mga magulang sa isang Katolikong eskwelahan at naituro ang pagmamahal sa kapwa at bilang Muslim parte ‘yon ng pananampalataya, ang pagtulong sa kapwa. Habang tumutulong ka, sarili mo ang tinutulungan mo.
 
Ayon pa kay Robin sa kanyang panayam sa The Buzz nitong Linggo, kung nakikita man daw ang kanyang pagiging astig, ito ay panlabas na kaanyuan lamang. “Ang aking kalooban, mapagmahal ako sa kapwa ko sa lahat ng usapin. ‘Pag meron lang naaapi hindi pwedeng palagpasin ko ‘yun. Kailangan pumapel ako bilang tao kailangan kong gawin ‘yon."
 
Itinanong din ni Charlene Gonzales sa The Buzz kahapon kung ano ang sikreto ni Robin para manatiling bata sa paglipas ng maraming taon. “Kapareho ako ng sikreto ng asawa mo,” sagot niya sa The Buzz host. “Isang magandang asawa. Kaya nananatili  si Morning (Aga Muhlach) ng ganon.”  
 
Kung mayroon man daw nagpapaiyak sa kanya, ito ay ang usaping pag-ibig. “’Pag sinasabi ko sa nanay ko, mga anak ko, kay Mariel na mahal ko siya, medyo naluluha ako nun, kasi galing sa puso ko ‘yon, eh.”  Inamin din ni Robin na recently ay naging emosyonal siya dahil sa naaapektuhan si Mariel ng mga kontrobersya na ikinakabit kay Robin. “Maraming nangyayari ngayon na nagpo-promo (ng teleserye niyang Guns and Roses) naaapektuhan si Mariel,” ani Robin pero hindi nag-detalye. “Ayokong isipin niya na ‘di ko na siya mahal. Ayoko ‘yon… na makakalimutan ko siya masakit sa akin ‘yon. Ang pag-ibig namin lalo siyang umaakyat.
 
Sobrang malapit din si Robin sa kanyang tatlong anak na babae at bunsong anak na lalaki na si Ali pero dahil busy, madalang na makita ng aktor ang kanyang mga anak. Ang dalawang nakatatandang anak ni Robin na sina Queenie at Kylie ay kasalukuyang nagso-showbiz samantalang ang dalawang mas bata niyang anak ay nasa Australia kasama ang ina nila. Malaki na rin daw ang kanyang mga anak na babae at parang barkada ang turingan nila. At umaasa daw siya na sundin ng mga ito ang magandang turo ng ina pagdating sa pag-ibig.