Matteo Guidicelli on Maja Salvador: 'She's my inspiration'

Although they continue to deny that they already a couple, Matteo Guidicelli and Maja Salvador admit that they are dating.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/6/2011 1:35 AM
Matteo Guidicelli on Maja Salvador: 'She's my inspiration'


060611-matteo-main.jpgMalaking palaisipan sa showbiz ngayon kung may relasyon na nga ba talaga sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Hanggang ngayon ay itinatanggi ng dalawa na sila na nga subalit hindi matigil-tigil ang pag-uusisa dahil kitang-kita ang sweetness ng dalawa at lagi pa raw nakikitang magkasama.

Noong Biyernes (January 3) sa Happy, Yipee, Yehey, kung saan isa sa mga co-hosts si Matteo, nagtanong si Toni Gonzaga kung ano ang pinakamasakit na mararanasan niya at ang sagot ni Matteo, “Kapag mawala mo ‘yung girlfriend mo.

Subalit iniulat sa The Buzz kahapon na itinanggi ni Matteo na sila na nga ni Maja. “Wala, we’re just special friends and we’re just happy with each other’s company,” diin niya. Gayunpaman hindi niya itinanggi na inspirasyon niya ngayon ang aktres.  “Maja is a special friend, she’s my inspiration.”  

Bilang co-host ni Matteo, ikinuwento ni Toni na noong Biyernes kung sa tanong na kung ano ang magpapalungkot kay Matteo, mayroon pa siyang dalawang tanong na si Maja din ang sagot. “Tinanong ko si Matteo ng tatlong tanong ang sagot puro si Maja. Sinong masarap amuy-amuyin. Isinigaw niya talaga Maja. Ang paboritong pagkaing Pinoy, maja blanca. Feeling ko mahal talaga ni Matteo si Maja,” ani Toni.

Dagdag pa ng The Buzz host, hindi naman talaga itinatago nina Maja at Matteo ang kanilang pagdi-date nung rehearsal nga raw para sa ASAP noong Sabado ay binabantayan pa ni Matteo si Maja. Idinagdag pa ni Charlene Gonzales na may nakapagsabi ring nakita ang dalawa na sabay nagti-training sa gym.