Jinkee Pacquiao says she has forgiven Krista Ranillo

The boxing champ's wife reveals how she was able to overcome the times she and Manny had to deal with marital issues.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/6/2011 1:50 AM
Jinkee Pacquiao says she has forgiven Krista Ranillo


060611-jinkee-main.jpgSa report ng The Buzz nitong Linggo, sinabi ni Jinkee Pacquiao na handa na raw niyang batiin ang aktres na dating na-link sa asawang si Manny Pacquiao na si Krista Ranillo. Pero malinaw na sa sagot ni Jinkee hindi siya ang unang babati kung sakaling magkasalubong sila ni Krista. “Kung papansinin niya ako siguro ‘yun lang ngingitian ko lang siya, just say hi hanggang dun lang,” sabi ni Jinkee sa phone interview ng The Buzz.

Sa palagay din umano ni Jinkee ay masaya na sa kanyang buhay si Krista na kanyang napapanood sa telebisyon. “Siguro naka-move on na siya kasi ‘pag nakikita ko siya ‘pag ini-inteview siya, nakikita ko happy naman siya, parang at peace na rin siya, happy siya ngayon na nagkaroon siya ng anak, may pamilya na rin siya.

Nagbigay rin si Jinkee ng advice kay Krista pagdating sa buhay pamilya since may pamilya na rin ngayon ang aktres at naka-base sa US. “Kasi sa mag-asawa may mga pinagdaraanan tayo, may ups and downs pero basta maging strong lang siya saka alagaan niya ‘yung pamilya niya. If ever na may problemang darating ‘yun mahalin niya ‘yung pamilya niya, ‘yun lang.

Pagdating naman sa kanyang pamilya, sinabi ni Jinkee na lalo silang naging close ni Manny sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan. “Parang you learn from it and then ‘yung love namin sa isat-isa parang nadagdagan pa, masaya kami na buo ‘yung aming pamilya,” ani Jinkee.

Ikinuwento rin ni Jinkee kung paano niya nagawang lampasan ang mga pagsubok sa pagsasama nila ng asawang international boxer. “Siguro ‘yung ginawa ko na talagang kahit minsan nasasaktan niya ako, ‘yung suporta ko pa rin di ko binibitawan. Kumbaga ‘yung unconditional love kahit na ganun kasakit pero ‘pag mahal mo ‘yung isang tao kailangan ipaglaban mo.

Nagawa na rin daw niyang patawarin ang mga taong nakasakit sa kanya katulad ng mga babaeng na-link kay Manny at naka-move on na raw siya.