• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto: 'Hindi naman po ako nanggagamit ng kahit na sino'

Angeline Quinto: 'Hindi naman po ako nanggagamit ng kahit na sino'

Despite being compared to Sarah Geronimo and Regine Velasquez, Angeline Quinto says she is trying to work on her own individuality.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/6/2011 12:09 AM
Angeline Quinto: 'Hindi naman po ako nanggagamit ng kahit na sino'


060611-angeline-main.jpgMalayo na talaga ang narating ni Angeline Quinto simula nang manalo siya bilang Star Power Grand Winner. Sa The Buzz nitong Linggo ay muling hinarap ni Angeline ang mga walang tigil na tirada sa kanya kabilang na ang pagkukumpara sa kanila ni Sarah Geronimo, ang isyu with Echo at ang paglaki umano ng kanyangn ulo.
 
Mariing idiniin ng singer na ginagamit lang niya si Sarah para lalong umangat ang career. “Talagang ginagawa ko din po ‘yung makakaya ko para makilala ng tao,” depensa ni Angeline. “Hindi naman po ako nanggagamit ng kahit na sino.” Kinontra rin ni Angeline ang mga bali-balitang nai-insecure na raw umano sa kanya ang Pop Princess. “Sobrang okay naman kami ni Sarah talaga. Kung minsan nga po nagkaka-text kami hanggang madaling araw,” depensa niya.
 
Wala rin daw katotohanan ang mga naglabasang balita na nagkapikunan umano sila ni Jericho Rosales nang ganapin ang ASAP Rocks sa Cebu ilang linggo na ang nakakaraan. Ani Angeline, sa isang production number ay biglang kumanta si Echo pero ang dapat kakanta noon ay si Angeline kung kaya’t nagsabay na lang sila sa pagkanta. Pero okay na okay raw sila ni Echo at walang katotohanan ang isyung nagkapikunan.
 
 Anang dalaga, marami nang pagbabago sa kanyang buhay simula nang manalo siya sa contest. “Sobrang dami ng pagbabago kasi totoo po dati hindi ako marunong mag-ayos ng sarili ko sobrang simpleng tao ngayon biglang papagalitan ako ng kasama ko, ‘ano ba ‘yang suot mo?’” pagbibiro ni Angeline. Open daw siya sa pag-aartista at kung palarin ay gusto niyang maging leading man si Coco Martin.
 
Bukod sa pagkakaroon ng best-selling debut album, magkakaroon na rin ng concert si Angeline sa June 15 sa Sky Dome at makakasama ni Sharon Cuneta para sa kanyang concert tour sa America sa June 23.