• Home
  • Fresh Scoops
  • Is Kim Chiu flattered knowing that Gerald Anderson is jealous of Simon Atkins?

Is Kim Chiu flattered knowing that Gerald Anderson is jealous of Simon Atkins?

Kim Chiu is surprised that Gerald Anderson is affected by her friendship with Simon Atkins.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/4/2011 2:35 AM
Is Kim Chiu flattered knowing that Gerald Anderson is jealous of Simon Atkins?


060411-kim-main.jpgHalatang nagulat si Kim Chiu na may konting selos pa lang naramdaman si Gerald Anderson noong malaman nitong balak siyang ligawan ng basketball hottie/model na si Simon Atkins. Sa ginanap na fans day ni Gerald noong June 1 ay inamin kasi nitong kay Simon siya pinakanaapektuhan kumpara sa iba pang mga lalaking nali-link kay Kim tulad ni Jason Abalos at Jolo Revilla. “Ano ba ang masasabi ko dun? Hindi ko alam ‘yan! Wala… Hahaha! Ewan ko, nagulat naman ako dun,” pag-iwas ni Kim. Pero halatang kinilig pa rin siya sa reaksyong iyon ni Gerald kahit pa sabihing magkaibigan na lang talaga sila ngayon. “Walang ganon. Hindi ko naman nababanggit si Simon kay Gerald kapag nag-uusap kami.

Kwento pa ni Kim, hindi pa rin siya pumapayag makipag-date sa kahit na sino hanggang ngayon. Pero bukas naman siya sa pagsasabing constant pa rin ang communication nila ni Simon. “Friends ko silang lahat. Textmates kami and nagke-care naman sila sa akin. [Pero ako sa ngayon] hindi ko kaya mag-care.” Hindi pa rin ba niya makalimutan ang kung ano mang relasyon na namagitan sa kanila ni Gerald noon? “Hindi ko alam e. Parang hindi ko alam. Wala naman akong trauma kasi hindi naman masama yung naging experience ko dati. Naghahanap lang talaga ako ng tamang lalaki na magmamahal at mag-aalaga sa akin.

Nilinaw namin ni Kim na wala siyang pinapaasa ni isa man sa mga lalaking nagiging malapit sa kanya ngayon. Umpisa pa lang ay sinasabi na raw kasi niyang hindi pa siyang handang makipagrelasyon sa ngayon. “Oo alam naman nila yun. Teka, nahiya naman ako sabihin ito... Kasi kahit hindi naman nila sinasabi na, ‘Kim liligawan kita. Okay lang sa ’yo?’ Mararamdaman mo naman eh. Kunwari [may binibigay sayong] mga padala padala, [o kaya makikita mo based sa] consistency nila. After nun, pinapangunahan ko na na, ‘Uy, hanggang ganito lang muna sana.’ Tapos yung iba gusto lang nilang maging friends lang muna kami. So hindi naman ako paasa.