• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez says she feels happy to be friends with Robin Padilla's kids

Mariel Rodriguez says she feels happy to be friends with Robin Padilla's kids

Mariel Rodriguez is thankful that her husband is exerting effort for their church wedding.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/27/2011 1:28 AM
Mariel Rodriguez says she feels happy to be friends with Robin Padilla's kids


062711-mariel1-main.jpgAccidental raw na nalaman ni Mariel Rodriguez ang plano ng kanyang asawang si Robin Padilla na pakasalan siya sa Vatican City. “Surprise nga daw ‘yon,” simula ni Mariel. “Tapos may nagsabi nga sa akin na taga-E-Live (tungkol sa plano ni Robin) so sabi ko sa kanya, ‘Babe, you know someone wants to interview me, they said… are we going to the Vatican?’ Sabi kong ganon, gulatan. Pero hindi ako nag-comment kasi hindi pa namin napag-uusapan, sabi niya ay sino’ng nagsabi sa ‘yo?” Ngayon nga ay hinahanda na ni Robin ang planong pumunta sila ni Mariel sa nasabing lugar para doon magpakasal.

Sobrang happy naman ni Mariel sa planong ito ni Robin. “Nagpapasalamat ako kasi hindi nawawala sa utak niya napag-usapan namin (ang kasal). I’m really very happy for my religion, more for me.”

In the meantime, bago raw sila matuloy sa Vatican ay uunahin muna ni Robin na dalawin ang kanyang mga anak na si Ali at Camille. Si Ali, na kanyang bunsong lalaki ay nasa Australia, samantalang nasa US naman ang isa pang anak niyang babae na si Camille.

 “Nami-miss niya ‘yung mga anak niya, eh. Si Camille, I remember the first time I met her, we were in Greenhills. Tapos ang cute-cute ng reaction niya, “ Huh, oh my gosh, you’re Mariel!” aliw na aliw na kuwento ng misis ng action superstar.

Happy naman ngayon si Mariel dahil nararamdaman daw niya na bahagi na siya ng pamilya ni Robin. “Love na love ko rin silang lahat. Feel ko talaga I’m also part of their family. I’m really so blessed. Thank you so much na naging happy na ang mga tao for us.”