Direk Ricky Rivero wants to see his assailant in jail

The director finally gives a blow-by-blow account of the tragedy he endured recently.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/27/2011 12:57 AM
Direk Ricky Rivero wants to see his assailant in jail


062711-ricky-main.jpgSa unang pagkakataon ay nagsalita na si Direk Ricky Rivero sa The Buzz matapos ang trahedyang sinapit niya kamakailan. Matatandaang nagtamo ng 17 saksak ang direktor mula sa suspek na si Hans Ivan Ruiz, 22, matapos niya patulugin ito sa bahay niya.

Inilahad ni Direk Ricky kung paano nangyari ang pananaksak sa kanya ni Ruiz. Aniya, nagkasundo raw silang magkita at pinatulog ang suspek sa kanyang tirahan. Nagising daw ang direktor na nasa ibabaw nya diumano ang suspek na sinasaksak siya. “Akala ko para lang akong binabangungot saka ko naano, this is happening, so sinimulan ko na siyang labanan,” anang direktor.

Nang makita raw niyang marami na siyang dugo, nahawakan daw niya ang suspek sa wrist at nagbaliktad ang kanilang puwesto. Nang ma-pindown na raw niya ang suspek ay tila nahimasmasan daw si Ruiz at mukhang nalito sa ginawa. Hindi rin daw lubos maisip ni Direk Ricky kung bakit siya sinasaktan ng suspek gayong wala naman silang pinag-awayan.

Dumiretso raw sa banyo ang direktor upang makita ang mga sugat niya. Paglabas daw ng banyo ay sinalubong siya ni Ruiz at tinalian ng tuwalya sa leeg. Dito raw nagsalita ang suspek at humihingi ng pera para raw sa tatay niyang maysakit. Sinabi umano ni Direk na bibigyan niya ito ng pera pero kailangan niyang sumugod sa ospital dahil sa mga sugat niya.  
Paglabas daw ng kanyang unit ay nakita raw siya ng kanyang kaibigan at dito humingi ng tulong at nakita raw niya na sinuntok ng kaibigan ang suspek. Nag-drive naman ang direktor papuntang Heart Center para magpagamot at later on ay inilipat sa St. Luke’s Medical Hospital.

Sinagot din ni Direk Ricky ang mga pahayag ni Ruiz nang makapanayam ito. Sa pahayag nitong hindi raw niya alam kung bakit niya sinasaksak ang direktor, ang sagot ni Direk Ricky kay Boy Abunda, “Puwede ba yon? Siyempre may malay-tao siya, nagsa-struggle kami. Antagal ng struggle namin na sinasabihan ko siya na tama na, bakit mo ‘ko sinasaksak? Gigil na gigil pa nga. Ayaw niyang tigilan ang pagsaksak sa kin. Hindi ako naniniwala dyan.

Sigurado rin daw siya na hindi nakainom ang suspek pero hindi raw siya sigurado kung wala ito sa impluwensiya ng droga. “Maayos naman siyang kausap. ‘Di siya madaldal talaga, eh. Medyo tahimik lang talagang tao,” ani Direk Ricky.

Itinanggi rin niya ang pahayag ni Ruiz na tinangka siyang tulungan nito paglabas ng banyo. “No, of course not. Kung gusto niya akong tulungan ba’t niya ‘ko tinalian sa leeg at hiningan ng pera? Wala siyang intensyon na tulungan ako.

Nilinaw rin ni Direk Ricky na wala silang relasyon ni Ruiz. “Si Hans nakipagkilala siya sa ‘kin sa Facebook a few months ago. To make things clear, hindi ko siya boyfriend. Alam ko na may girlfriend siya. Wala kaming relasyon. Magkaibigan lang kami ni Hans.”

Bago raw naganap ang trahedya ay mga apat na beses na raw silang nagkita ni Ruiz.  
Ipinaliwanag rin ng direktor kung bakit niya pinatulog ang suspek sa kanyang tirahan. “Ilang beses na rin naman kaming nakalabas. It wasn’t his first time na matulog sa bahay, okay naman.”

Sa tanong ni Boy kung nagkaroon ba sila ng sexual relationship, ang direktang pag-amin ni Direk Ricky. “May nangyari sa ‘min. ‘Di naman ako magsisinungaling. There’s something that happened in the past. (Pero) maliwanag ang usapan na hindi tayo.”  

Nagpapasalamat naman ang direktor sa mga kakilala at mga kaibigang kinukumusta ang kanyang kalagayan at ipinagdasal para patuloy ang paggaling niya.

Aniya, nagawa na rin niyang patawarin ang suspek sa ginawa nito. “Ipinagdadasal ko siya araw-araw. Sa puso ko siguro masasabi ko na in a way napatawad ko na siya sa ginawa niya sa ‘kin. Pero he has to suffer