Cristine Reyes says she prayed for someone like Rayver Cruz

The real-life couple says that they already see themselves growing old together.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/27/2011 1:12 AM
Cristine Reyes says she prayed for someone like Rayver Cruz


062711-cristine-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay kuwento ng tunay na pag-ibig ang interview kina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Halatang in-love na in-love ang magkasintahan. “Sobra sobra, parang siya ‘yung kumumpleto. Nung dumating siya sa buhay ko ang sarap sa pakiramdam parang ito ‘yung babae para sa akin talaga,” sagot ni Rayver sa tanong ni Boy Abunda kung gaano niya kamahal si Cristine.

Nagbiro rin ang binata na kung may pagseselosan siya ay ang Twitter iyon. Kilala kasi si Cristine na very active sa pagtu-tweet at dun n’ya inilalabas ang kanyang saloobin. “Wala akong magawa. Actually kung meron akong pagseselosan ‘yung Twitter, lalo na kunwari magkakatampuhan kami, magse-cellphone ‘yan, alam mo na ang ending non, Twitter. ‘Yun ‘yung parang best-friend niya,” natatawang kuwento ng aktor. Tila nga hindi makapaniwala si Rayver na dati ay isa lang siya sa mga humahanga kay Cristine at ngayon ay girlfriend na niya.  

Kinumpirma rin ni Cristine na sa kanyang mga naging boyfriend, si Rayver daw ang sobrang aprubado ng kanyang pamilya. Salaysay ng aktres, “Kasi parang pangalawa siyang seryosong boyfriend ko, eh. As in seryoso talaga na tagal.”

Naniniwala rin si Rayver na kung buhay ang kanyang ama ay matutuwa ito na may girlfriend na siya. Kuwento ni Rayver, nung nabubuhay pa raw ang kanyang ama ay madalas maitanong kung bakit walang girlfriend ang anak kahit na guwapo at very talented ito. Dagdag niya, sigurado siya ngayon na masaya ang ama para sa kanya kahit nasaan man siya.

Nang itanong ni Boy kung tapat bang kasintahan si Rayver, sumagot ito ng oo. Isiningit ni Cristine na paminsan-minsan ay nakikita niyang tumitingin ang boyfriend sa mga babae pero di siya nagagalit. “Ako rin naman minsan (napapatingin ako sa lalaki), ‘Ang cute non, crush ko ‘yon.’”

Sabi pa ni Cristine at Rayver nakikita na nila ang isa’t isa na magkasama bilang magkabiyak. Ikinuwento pa nga ni Cristine na idinasal daw niya na sana ay bigyan siya ng lalaking magmamahal ng tunay sa kanya. “Feeling ko ibinigay Niya ‘yon. Binigay agad,” pahayag niya. Ipinagdasal daw niya ang lalaking mamahalin siya habang buhay dahil lumaki siya sa isang broken family.

Samantala, magiging love-team din ang dalawa sa upcoming teleserye na Reputasyon.