• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai de las Alas says Vic Sotto agreed to have a kissing scene with her in their movie

Ai-Ai de las Alas says Vic Sotto agreed to have a kissing scene with her in their movie

Ai-Ai de las Alas is excited about her upcoming project with Vic Sotto.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/25/2011 7:17 PM
Ai-Ai de las Alas says Vic Sotto agreed to have a kissing scene with her in their movie


062611-aiai_main.jpgIsa na namang award ang napanalunan ni Ai-Ai de las Alas bilang best actress sa kakatapos na PMPC Star Awards for Movies noong June 21. Ang award ng aktres ay para sa kanyang pagganap sa Tanging Ina N’yo: Last Na ‘To at ang mga kapwa niya nominado ay sina Bea Alonzo, Lorna Tolentino, Anne Curtis, Angelica Panganiban at Lovi Poe.

Sa sobrang kaba nga raw niya ay muntik na niyang makalimutang pasalamatan sa kanyang acceptance speech ang kanyang manager na si Boy Abunda. “Sa sobrang nerbiyos ko muntik ko pang makalimutan si Ama (tawag niya kay Boy). I love Boy Abunda, I love Ama, so much,” pambawi ni Ai-Ai later on sa interview.

Excited na rin ang Comedy Concert Queen sa kanyang susunod na film project na pagbibidahan nila ni Vic Sotto. Dagdag pa rito, magiging co-producer din sa pelikula si Ai-Ai kaya doble ang excitement niya. “In every project ko naman talagang tinitingnan ko naman, nakakapagpaligaya ako ng sambayanang Pilipino. ‘Yun lang naman ang akin, ang masaya silang lalabas ng sinehan na, ‘Hay, nakakatuwa naman si Bossing, nakakatuwa si Ai-Ai.’”

May blessing na rin daw si Bossing Vic na pwede silang magkaroon ng kissing scene ni Ai-Ai sa gagawin nilang pelikula. “’Yun lang naman din ang gusto din niya, huwag lang daw siyang ikakasal sa akin,” biro ni Ai-Ai. “Pwes, abangan n’yo ‘yun. Magtutukaan kami. Sabi nga ni Eugene Domingo, ayoko raw ng pabilog, eh pahaba naman ngayon,” pagpapatawa niya na tinutukoy na parehong mahaba ang baba nila ni Vic.

Nagkaroon din daw sila ng kasunduan na gagawa sila ni Cesar Montano ng isang indie movie pero wala pang definite plans. “Within our lifetime,” joke ni Ai-Ai.