• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja on rumored rift with Erich: 'Hindi na kami grade school para ipatawag sa principal's office'

Maja on rumored rift with Erich: 'Hindi na kami grade school para ipatawag sa principal's office'

Maja Salvador says she and Erich Gonzales didn't require Johnny Manahan's mediation for them to settle their differences.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/23/2011 8:32 AM
Maja on rumored rift with Erich: 'Hindi na kami grade school para ipatawag sa principal's office'


062311-maja_main.jpgSa ginanap na Star Awards for Movies noong June 21, maayos na sinagot ni Maja Salvador ang issue tungkol sa napapabalitang hidwaan nila nina Angelica Panganiban at Kim Chiu versus Erich Gonzales. “Okay kaming lahat. Let’s move on na. Kung ano mang issue yung napabalitang magkaaway daw kesyo sina Angelica at Erich, Kim at Erich, Maja at Erich, huwag na natin [palakihin], kasi okay kaming lahat. Sabi ko nga kaya nagkaka-issue dahil bulong dito bulong diyan. Tapos sa interview sabi ko daw ganito ganyan, kahit hindi ko naman sinabi. Pero okay kaming lahat,” paliwanag ni Maja sa panayam sa kanya ng ilang ABS-CBN reporters.

Inamin ni Maja na may mga panahong hindi sila nagpapansinan ni Erich dahil sa mga intrigang kinasasangkutan nila noon. Pero nagkaroon naman daw sila ng pagkakataong pag-usapan kung ano man ang alitang namagitan sa kanilang magkakaibigan. Sa katunayan ay nasa iisang dressing room lang sila habang naghihintay sa kani-kanilang production number para sa Star Awards. “Kami ni Erich nag-uusap kami. Hindi kami close talaga. Kasi ang pangit naman kung makita ni’yo kaming chikahan to death pero hindi naman kami totoo. Civil kami, nagpapansinan kaming lahat. Sa part namin ni Erich, siguro dati merong talagang hindi [kami] nagkikibuan, pero ngayon okay na.”

Pero wala raw katotohanan na kinailangan pang mamagitan ng Star Magic chairman emeritus na si Johnny Manahan (or simply Mr. M in showbiz circles) para ayusin nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Hindi naman na raw sila bata para kailangang kausapin pa ni Mr. M na itinuturing na rin nilang pangalawang ama bilang mga Star Magic artists. “Bakit, grade school ba kami? High school ba kami para ipatawag sa principal's office? Hindi na [kailangan] kasi ilang taon na kami, matatanda na kami. Isa pa, naisip namin na hindi na dapat maging issue kasi kami-kami na lang sa industriyang ito eh. Hindi naman namin kailangang mag-away-away lalo na lahat kami part ng Star Magic family. So bakit kami mag-uungusan, magkukumpetisyon or kung ano man? Dapat wala na.

So aware ba sila nila Erich sa mga ibinabatong intriga sa kanila? “Siyempre mapag-uusapan ni’yo yun. Pero kapag napag-usapan na, tama na. Kasi hindi na kailangan palakihin. Tulad ng sinabi ko, hindi naman kami grade school or kinder [para magturuan o magsisihan na], ‘Hindi eh, sinabi mo daw ganito ganyan.’ Ikaw mismo kailangan  alam mo sa sarili mo yun, kasi kahit papaano, bawat isa sa amin nagkatrabaho na. So dapat nandun yung respeto sa isa’t isa.