• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo says being inspired helps him to be more productive

Zanjoe Marudo says being inspired helps him to be more productive

For Zanjoe Marudo, work is more fulfilling now that he is inspired.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/21/2011 8:44 AM
Zanjoe Marudo says being inspired helps him to be more productive


062111-zanjoe_main.jpgHappy ngayon ang model-turned-actor na si Zanjoe Marudo dahil sa sunud-sunod niyang proyekto. Kuwento niya, para sa kanyang next movie project, karangalan daw ang makatrabaho niya ang mga de-kalibreng alagad ng sining gaya nina Toni Gonzaga, Eugene Domingo at ang direktor na si Jose Javier Reyes sa pelikulang katatapos lang nilang i-shoot, ang Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Zanjoe Marudo kung kelan ipapalabas ang kanyang teleserye na Hiyas with Megan Young. Pero wala pa raw sinasabi sa kanila pero umaasang very soon ay maie-ere na ito.

Siyempre nakakatuwa na may ibinibigay ang Star Cinema. Masaya ang pelikula dahil kasama ang dalawa sa pinakamagaling na komedyante. At first time ko na makatrabaho si Direk Joey kaya malaking blessing sa akin ang pelikulang ito. Sa TV naman looking forward ako sa mga projects ko sa ABS-CBN after Kristine Series,” aniya tungkol sa seryeng pinagsamahan nila ni Cristine Reyes.

Very happy rin ngayon si Zanjoe para sa kanyang former leading lady na si Cristine na nagti-taping ng susunod niyang teleserye, ang Reputasyon. “Masaya ako na after naming magkatrabaho may mga follow-up projects agad kaming dalawa. Hindi man kami magkasama, at least may mga kanya-kanya na kaming gagawin and sana next year or susunod na project magkasama ulit kami,” umaasang sabi ng aktor.

Makulay din ngayon ang love life ni Zanjoe na iniuugnay ngayon kay Bea Alonzo. Hindi naman niya itinanggi na inspired siya sa pagtatrabaho ngayon. “Sa lahat ng bagay kahit sa buhay natin kailangan inspired ka hindi lang dahil o para sa trabaho. Sa lahat naman ng aspeto sa buhay kailangan talagang inspired ka sa trabaho para positive ang kalalabasan ng lahat ng ating ginagawa,” aniya.

Hindi naman nagsalita masyado si Zanjoe tungkol sa sinasabing relasyon na nila ngayon ni Bea nang makapanayam recently at very generic ang pagbati niya kina Bea at Robin Padilla sa success ng kanilang primetime teleserye ng Guns and Roses.

Since tungkol naman sa kasal ang kanyang next movie, naitanong namin kay Zanjoe kung naniniwala ba siya sa pagpapawalang bisa ng kasal. “Sa pananaw ko dapat ang gusto ko once nag-decide na magpakasal, commitment ‘yan, responsibilidad. Kailangan mong tapusin kailangan mong gampanan,” sagot niya.