TV host-actress, posibleng ma-in love sa Politician!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

6/22/2011 12:00 AM
TV host-actress, posibleng ma-in love sa Politician!


062211-blinditem.jpgHINDI na pala nagsasama ang isang kilalang politician at ang asawa nito. Ang chika, iniwanan ng asawa ang politician at sumama sa ibang lalaki. Naiwan sa politician ang mga anak nito.

Ito ang dahilan kung bakit hindi mamatay-matay ang isyu sa politician at sa isang TV host-actress. Though wala naman talaga silang romantic involvement sa ngayon.

Hiwalay sa asawa ang TV host-actress. Nasa kalinga nito ngayon ang kanyang mga anak. Samantalang ang lalaki ay nauugnay ngayon sa iba't ibang babae.

Nali-link din ang TV host-actress sa iba't ibang personalidad. Pero walang katotohanan ang mga ito.

Ang chika, nahuhulog ang loob ng TV host-actress sa politician. Bukod kasi sa matalino ito, looker ito. Pero takot ang TV host actress na muling magkaroon ng romantic involvement.

Sabi ng TV host actress, "Enjoy life na lang. Mahirap na. Iba na ang panahon ngayon."

Huwag na taong magulat if one of these days ay mabalitaan nating nililigawan ng politician ang TV host-actress. Marami ang nagsasabi na malakas din ang tama ng politician sa TV host-actress.