Sarah Geronimo takes up singing and dance lessons in the US

The Pop-star Princess says she is excited to start her lessons and will be gone for five weeks.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/3/2011 5:27 AM
Sarah Geronimo takes up singing and dance lessons in the US


060311-sarah_main.jpgNakatakdang pumunta sa America si Sarah Geronimo para muling mag-aral at pagbutihin pa ang kanyang talents. Isasabay na rin daw ng Pop princess ang pagbabakasyon. “Ayun! Tuloy na po, mag-voice and dance lessons lang po ako at konting bakasyon lang, five weeks lang, madali lang yun,” nakangiting bungad ni Sarah.

Matagal na raw plano ni Sarah na mag-enroll sa mga nasabing lessons. Ginagawa raw niya ito para sa lahat ng kanyang supporters na nagtitiwala sa kanyang kakayahan. “Parang I feel na napakaraming opportunities na naibibigay po sa akin, at gusto ko na bawat proyekto na ibibigay sa akin especially singing. Bibigyan ko talaga ng magandang performance para hindi naman nasasayang yung tiwala nila sa akin, at saka may naipapakita rin akong bago sa audience,” dagdag pa ng pop princess.

Pagkatapos ng short courses sa singing at dancing ni Sarah ay balak daw ng singer na gumawa ng isang dance album. “Yes! Gustung-gusto ko yun, dream ko talaga na makagawa tayong mga Filipino artists ng isang Christian album yung puro Christian songs, inspirational,” pagtatapos ni Sarah.