• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Gil gives his side on the Andie Eigenmann-Albie Casiño controversy

Mark Gil gives his side on the Andie Eigenmann-Albie Casiño controversy

The veteran actor says he hopes things get settled between his family and Albie's.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/2/2011 8:58 AM
Mark Gil gives his side on the Andie Eigenmann-Albie Casiño controversy


060211-mark_main.jpgHindi pa rin natatapos ang issue sa pagitan nina Andi Eigenmann at Albie Casino. Kung kamakailan ay nagbigay ng official statement ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose tungkol sa alitan ng dalawa, ngayon ay naglabas na rin ng saloobin ang ama ni Andi na si Mark Gil dahil sa nasabing gulo.

Nasasaksihan daw ni Mark ang mga pinagdadaanan ni Andi ngayon. “She would talk to my wife more than me. Kasi I always keep that respect. Walang detalye pero totoo nga raw. Pero hindi ako galit or anything pero siyempre masama ang loob ko dahil tatay ako eh, anak ko yun, umiyak siya oo,” seryosong kuwento ni Mark.

Sobrang naapektuhan si Mark sa mga naging post ni Albie sa social networking site na Formspring. “Ang facts ko lang yung Formspring, doon ako nabo-bother, huwag na, 24/7 everyday that’s enough. That’s not a man’s thing, men don’t do that. I hope a friend would tell him. Don’t talk anymore kasi tapos na, may sugat na, pinapalalim mo pa, dinidiin mo pa. you’re not only hurting one person, you’re hurting one family,” emosyonal pang pahayag ng aktor.

Umaasa naman daw si Mark na maaayos din ang gusot sa pagitan nina Andi at Albie. Sana ay humarap din daw sa pamilya ni Andi ang binata. “It’s not my issue but I believe it will die down eventually, pero sana tama na comments. Then personally since we know each other, nayakap na kita, tinanggap ka na namin. You’ve been to my house, Tita Cherry (Albie’s mom), hey it would be nice to have an apology,” pakiusap pa ni Mark kay Albie.