Jake Cuenca denies courting Kim Chiu and Bianca Manalo

The sexy actor explains that this is not the right time to look for another relationship since he and Melissa Ricks just broke up.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/20/2011 12:04 AM
Jake Cuenca denies courting Kim Chiu and Bianca Manalo


062011-jake-main.jpgKaka-break pa nga lang nina Jake Cuenca at Melissa Ricks at nai-involve na naman ngayon ang aktor sa isa pang babae na kaibigan pa ni Melissa, si Kim Chiu. Nililigawan daw kasi ngayon ng aktor si Kim na kanya namang itinanggi sa interview ng The Buzz. “Hala, hindi ah. Kami ni Kim?” gulat na reaksyon ni Jake. “Hindi talaga kami ni Kim, we’re just friends. I don’t mean that in a showbiz way, talagang walang nagliligawan sa amin ni Kim. Nothing is going on between us, tsaka medyo awkward ‘yon mag-best-friends kami ni Gerald (Anderson). Tingin ko naman talaga kay Kim parang kapatid ko ‘yan, eh.

Pagpapatuloy pa ni Jake, hindi raw ito ang tamang panahon para humanap ng relasyon dahil katatapos pa lang ng relasyon nila ni Melissa. “Ngayon it’s not the right time to be dating yet. When it comes to my work andaming kailangang asikasuhin,” dahilan niya.

Mariin din niyang itinanggi ang isyung pinopormahan daw niya ang Happy Yipee Yehey co-host na si Bianca Manalo. Aniya, maganda si Bianca pero hindi raw niya ito nililigawan. Nakiusap din ang actor na huwag nang mandamay ng iba pang tao.  

Samantala, dahil sa mga tila bitter tweet messages ni Melissa sa kanyang Twitter account ay kinuha ang reaksyon ni Jake kung siya ba ang pinaparinggan dito. Pero iwas ang actor sa nasabing isyu.
“I really can’t answer anything about the tweets kasi nga we haven’t been talking recently so siyempre may sariling opinion si Mel, so pagdating sa tweets you can ask her about that,” paliwanag ng actor sa interview.

Dagdag pa niya, “I think what made it (relationship) worked out was that hindi namin masyadong idinetalye ang personal lives namin sa TV, so siguro kung pwede n’yong ibalato sa akin ito… We just broke up, hindi ibig sabihin pwede ko na idetalye ang relationship namin in front of the camera.”

Kung bitter man daw ang mga tweets ni Melissa ay nauunawaan niya ito dahil kaka-break lang nila. “We need time to heal at siguro ito ‘yung panahon na ‘yon. She needs time to heal. Hopefully we could be friends. Ako I’ve been praying for that na maging magkaibigan kami.