• Home
  • Fresh Scoops
  • Dolphy says he and Zsa Zsa Padilla are still discussing their marriage

Dolphy says he and Zsa Zsa Padilla are still discussing their marriage

The Comedy King says being a father to his kids does not end as long as he lives.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/19/2011 11:49 PM
Dolphy says he and Zsa Zsa Padilla are still discussing their marriage


062011-dolpy-main.jpgBilang selebrasyon ng Father’s Day, inere sa The Buzz nitong Linggo ang interview ni Boy Abunda kay Dolphy. Sa nasabing interview ay tinanong ang Comedy King kung magpapakasal na ba sila ng kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla ngayong annulled na ang kasal ng singer-actress sa dating asawang si Dr. Modesto Tatlonghari.

Nag-uusap kami, pinag-uusapan namin,” simula ng veteran actor. Sa totoo lang ay ayaw nga raw nilang pag-usapan ang pagpapakasal. “Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari bumalik na naman. Ganun ‘yung nangyari (dati). Tapos na (ang kaso) tapos bumalik uli sa court.” Ang tinutukoy ni Dolphy ay nangyari noon na akala nila ay aprubado na ang annulment ni Zsa Zsa at naka-set na ang pagpapakasal nila ni Dolphy nang biglang maudlot ito dahil na-delay ang pagpapa-apruba ng annulment.  

Sinigurado rin ni Dolphy na mas maganda ang kondisyon ng kanyang katawan ngayon. “I’m stronger now nakita n’yo medyo tumataba nang konti. Tsaka medyo nakakatagal na ako without the oxygen.”

Bilang ama naman, sinabi ng aktor na naging fulfilled siya bilang ama nang magawa niyang ipakilala ang lahat ng kanyang mga anak sa isa’t isa. “Nung mapagbuklod-buklod ko ‘yung ibang anak ko. Alam mo naman iba-ibang grupo sila,” kuwento ni Dolphy kay Boy. “Parang accomplishment ng buhay ko kasi hindi pa sila magkakakilala.” Pagbibiro pa niya, “Ang iniiwasan ko baka mamaya magligawan sila. Hindi niya kilala kapatid niya pala.

Bilang ama, ang pinakaimportanteng aral daw na natutunan niya ay ang pagiging ama sa mga anak sa lahat ng oras. “Basta ikaw hindi ka na makakawala sa mga anak mo bilang tatay. ‘Yung obligasyon mo gampanan mo bilang magulang bilang tatay hanggang malagot ang hininga, ‘yung obligasyon mo sa mga anak mo tutuparin mo.