• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Manalo denies that John Prats and Jake Cuenca are courting her

Bianca Manalo denies that John Prats and Jake Cuenca are courting her

The beauty-queen-turned-actress says that she does not want to be involved with a guy who is committed.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/20/2011 1:40 AM
Bianca Manalo denies that John Prats and Jake Cuenca are courting her


062011-bianca-main.jpgHindi naman po ako kasi talaga ‘yung third party,” ang mariing sagot ni Bianca Manalo sa The Buzz hinggil sa di matigil-tigil na isyung siya ang dahilan ng paghihiwalay nina John Prats at Rachelle Ann Go. “Nakakalungkot po kasi for the longest time I’ve been single, so ba’t ko naman sisirain ang pagiging single ko na magiging third party lang ako?

Sumasang-ayon din siya sa sinabi ni Rachelle Ann na pagpapakita ng walang respeto ang pakikisawsaw sa dalawang taong may relasyon. “Oo naman bilang babae sino ba naman ang may gusto ng third party?” sagot ng dating beauty queen.

Mariin din ang pagtanggi niya na nililigawan o niligawan siya ni John. Hindi rin daw niya napapansin kung pinupormahan siya ni John dahil ine-enjoy niya ang kanyang pagiging single. Dagdag pa niya, gusto niya si John dahil pamilya sila sa kanyang show na Happy Yipee Yehey. Dahil nga sa pagkakadamay niya sa isyu ay humihingi raw ng paumanhin si John sa kanya. “Nagso-sorry kasi nadadamay ako na wala naman po talaga.”  

Bilang mensahe sa mga nag-iisip na siya ang third party, ang apela ni Bianca, “Ilang beses ko na pong sinabi na hindi po talaga ako ang third party and uulitin ko po, sino po bang babae ang gustong maging third party? Siyempre gusto  mo ‘pag napunta ka sa isang relationship, ikaw lang ang mamahalin ng lalaki. Bakit may kailangan kahati ka at tatapusin (ang unang relasyon) bago ikaw?

Itinanggi rin ni Bianca ang isyung pinupormahan siya ni Jake Cuenca. Kuwento pa niya isa siya sa mga unang sinabihan ni Melissa Ricks nang mag-break sila ni Jake. Lagi rin daw silang magka-text ni Mel nang maghiwalay sila ni Jake. At hindi rin alam ni Bianca kung bakit siya nadadawit at kung saan nagmula ang isyu.