• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam on Marie Digby-James Yap rumored romance: 'If she has somebody special, I am happy for her'

Sam on Marie Digby-James Yap rumored romance: 'If she has somebody special, I am happy for her'

Sam Milby says there's nothing wrong if he remains friends with Marie Digby even if she's already dating someone else.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/17/2011 8:46 AM
Sam on Marie Digby-James Yap rumored romance: 'If she has somebody special, I am happy for her'


061711-sam_main.jpgNagsalita na si Sam Milby tungkol sa issue na ang dati niyang “special friend” na si Marie Digby ang bagong dine-date ng sikat na PBA player na si James Yap. Walang anumang sama ng loob ang aktor dahil kahit kailan ay hindi naman sila naging magkarelasyon ng international singer. “Kung totoo man o hindi yung kay James and her (Marie), unang-una, wala akong karapatan kung sino ang gusto niyang i-date kasi friends lang kami. Kung happy siya, I’m happy for her. Who wouldn’t want to be happy with someone's love life? But with that, it’s not my business, technically [speaking],” paliwanag ni Sam sa ilang ABS-CBN reporters matapos ang premiere night ng Forever And A Day noong June 14.

Matatandaang napabalitang nagkakamabutihan ang dalawa matapos silang makitang magkasama sa Boracay na cinelebrate ang birthday ni Sam. Pero nilinaw ni Sam na mas pinili raw nilang maging mabuting magkaibigan bago pa magtapos ang taong 2010. “I just find it funny na hanggang ngayon maraming nagsasabi na kami ni Marie. I made it clear before na never naging kami, never kami naging exclusively dating last year, and near the end of last year nagpasiya kami na maging friends na lang. There's no exclusivity about our dates. Ngayon ganon pa rin, we’re just friends. I appreciate the friendship.”

Pero hindi itinanggi ni Sam na sila ulit ni Marie ang magkasamang nag-celebrate ng kanyang birthday noong nakaraang buwan. Nagkataong free day niya noon kaya niyaya raw niya itong panoorin siyang mag-motocross sa isang race track sa Cavite. “I was thinking of what to do on my birthday then. Sayang naman kung wala akong ginagawa. I wanted to ride [and I remembered] sabi niya sa akin dati she wanted to try it. Kasi ganon siya, she’s very game for extreme sports. Even her sister Myrna, who was taking a vacation [here in Manila at that time], she wanted to try it also. So I invited them to come with me sa track. Ayun, sumama sila. Afterwards, we had dinner with friends. I enjoyed it naman.”