• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes is happy to be paired with Rayver Cruz and Jason Abalos in 'Reputasyon'

Cristine Reyes is happy to be paired with Rayver Cruz and Jason Abalos in 'Reputasyon'

Cristine Reyes reveals a few details about her upcoming soap on ABS-CBN and the status of her relationship with Rayver Cruz.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/18/2011 12:35 AM
Cristine Reyes is happy to be paired with Rayver Cruz and Jason Abalos in 'Reputasyon'


061811-cristine-main.jpgHindi maikakaila na going strong ang relasyon ngayon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdaanan nila. Sa katunayan ay sobrang sweet sila sa isa’t isa habang nasa backstage sa ginanap na Star Creatives trade launch noong June 16. Excited at super blessed ang pakiramdam nila dahil muli silang magkakatambal sa teleseryeng Reputasyon. “Sobrang saya ko kasi siyempre pag nagte-taping, minsan magdamag kami sa set. At least nandyan siya katrabaho ko din. Kahit na maging super busy man, ok lang kasi nagkikita pa rin naman kami sa set,” natutuwang kwento ni Cristine sa Push.com.ph.

Kung ang ibang celebrity couples ay iniiwasang magkatrabaho sa pelikula or teleserye, mas madali raw para kina Cristine at Rayver ang maging magka-love team dahil gamay na nila ang isa’t isa. Bukod pa dito ay maganda naman ang pagtanggap ng Kapamilya viewers noong minsang magkatrabaho sila sa Kristine Series. “Nag-start na kaming mag-taping pero hindi pa kami nagkakasama sa eksena ni Rayver. Para sa akin siguro madali na siya ang ka-partner ko on screen kasi kumportable kami sa isa’t isa. Pwera lang kung magloloko ito. Mahilig kasi siyang mangasar, eh ako naman pikon,” pag-amin pa ng aktres.

Masaya rin si Cristine dahil reunion project din nila ito ni Jason Abalos na una niyang naging leading man sa Eva Fonda. “Okay naman yung magiging love triangle namin. Basta si Jason makikilala ko sa probinsiya tapos si Rayver naman taga-Manila. Excited akong maka-work ulit si Jason. Siyempre yung first soap ko sa ABS-CBN siya ang nakasama ko. Pero so far wala pang chance na makapag-bonding kami dahil magkahiwalay naman kasi yung standby area namin sa set tsaka kakaumpisa pa lang din naming mag-taping.”

Dagdag pa ni Cristine, ibang-iba ang character niya sa Reputasyon kumpara sa mga nakaraan niyang teleserye dahil hindi siya magpapa-sexy this time around. “Ang role ko dito ay si Agnes, isa akong student at mapagmahal na anak. Gaganap na parents ko sina Lito Pimentel at Jaclyn Jose. Wala akong sexy scenes dito, wholesome ito. Siguro parang suggestive yung title ng soap, pero kapag napanood ni’yo malalaman niyo bakit tinawag na Reputasyon. Ayoko muna sabihin yung ibang detalye.  Basta abangan na lang nila ang Reputasyon soon on ABS-CBN.”