• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby and KC Concepcion speak up about competition with other stars

Sam Milby and KC Concepcion speak up about competition with other stars

Despite the challenges that come along being celebrities, Sam Milby and KC Concepcion say that being in the business is worth it.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/12/2011 10:48 PM
Sam Milby and KC Concepcion speak up about competition with other stars


061311-kc-sam-main.jpgPagkakataon ngayon nina Sam Milby at KC Concepcion na patunayan kung gaano kakinang ang kanilang mga bituin sa kanilang first-ever film team-up na Forever And A Day. Sa The Buzz kahapon sinabi ng dalawa na kung pagdating sa kumpetisyon sa mga kasabayan nilang malalaking artista, marami pa silang dapat mapatunayan para matawag na sikat.

Nang tanungin ni Boy Abunda si KC kung sino-sino sa mga aktres ngayon ang pinakamahigpit niyang kumpetisyon, neutral ang sagot ng aktres. “I’m taking this from Sam, as long as you’re happy with your performance that’s all that matters. Somebody told me that my biggest competition talaga ang sarili ko kasi hindi ko hinihilera ang sarili ko kina Anne (Curtis), Angel (Locsin), Bea (Alonzo). Sa totoo lang ang tagal-tagal na nila dito. Marami pa po akong kailangang matutunan dito sa pelikula, sa paggawa ng teleserye.” Ayon din sa aktres, sa tatlong taon niya sa showbiz ay baguhan pa raw siya na matatawag.

Aniya, dahil sa management din ng Kapamilya network ay naging effective siya bilang host na never niyang inakala na magagawa niya dahil mahiyain siyang tao. . “’Yung nakikita sa TV araw-araw, ang masasabi ko lang ang sobrang pinagpapasalamatan ko ang ABS-CBN.”

Sabi naman ni Sam, marami ang pwedeng maging batayan para matawag na sikat gaya ng box-office hit na pelikula, maraming supporters pero kanya-kanyang panahon ito. “I believe everyone is given a fair chance. Siyempre si Piolo, si John Lloyd, mas matagal sila sa business, mas marami sila naa-achieve but ako, each project, I’m being given blessings talaga.

Mahirap naman daw masagot na ihilera ang sarili sa mga bigating actors ngayon pero ayaw naman niyang ilagay ang sarili niya sa pinakahuli. “I would not consider myself in the same league as siguro Piolo or John Lloyd, I think they’re really at the top of their game. So I would put them at the top.”

Worth it naman daw ang pagpasok ni KC sa showbiz kahit mayroon siyang magandang future outside of showbiz.  “Alam ko po kasi na naa-apreciate po ako ng tao bilang product endorser, nakita nila akong product endorser. Siguro naging malaking adjustment din para sa mga tao para makitang nagpepelikula na ako lalo na po nung lumipat ako from Paris.”

Sang-ayon naman dito si Sam. “Lahat ng mga bagay have good and bad (sides) pero sa akin mas maraming perks. Also the fact na malaki ang influence to other people.” Bilang artista, nakakatuwa raw na makaimpluwensiya ng buhay ng ibang tao in a positive way.