• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband on rumored non-showbiz girlfriend: 'Angel and I both know there's no truth to it.'

Phil Younghusband on rumored non-showbiz girlfriend: 'Angel and I both know there's no truth to it.'

James Younghusband says his brother Phil has only eyes for Angel Locsin.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/12/2011 10:24 PM
Phil Younghusband on rumored non-showbiz girlfriend: 'Angel and I both know there's no truth to it.'


061311-phil-main.jpgMalaking ingay ang nilikha ng isyung diumano’y pagkakaroon na ng girlfriend ni Phil Younghusband na nagngangalang KC del Rosario, na minsan ring na-link kay Matteo Guidicelli. Sa kasalukuyan kasi ay exclusively dating sina Phil at Angel Locsin. Recently sa isang press conference ay tinanong ang nagmamadaling si Phil tungkol kay KC at nagmistulang umiiwas ang athlete dahil sa pagmamadali na lumabas sa report ng SNN.

Subalit sa kanyang Twitter account ay nilinaw ni Phil na hindi niya kilala ang nali-link sa kanyang babae, at idinagdag na hindi niya alam kung saan nanggaling ang nasabing isyu. Humingi rin ng paumanhin si Phil sa mga press na dumating sa nasabing press conference na hindi na siya na-interview nang maayos dahil nagmamadali siya dahil mayroon siyang training.

Bukod pa rito, nag-post din ng comment ang nalilink sa kanyang babae sa kanyang Twitter account na ang laman ay, “SNN is so random.”

Bilang depensa sa kanyang kapatid, sinabi ni James Younghusband na kilala niya si KC dahil schoolmate siya ng kanyang girlfriend at minsan nang nagkita sina Phil at KC. Pero idiniin niyang si Angel lamang ang babaeng itinatangi ng kanyang kapatid.

Sa The Buzz kahapon ay isang statement ang ipinadala ni Phil bilang tugon sa isyung girlfriend niya diumano si KC. Narito ang laman ng mensahe:

“I do not know any KC or may have been introduced before. I’ve already talked to Angel about the rumors and we both know there’s no truth to it. I have spent the past few days of my free time with her before. I leave for Germany tonight. Thanks for giving me the chance to explain.”