• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla on alleged relationship with Jodi Sta. Maria: 'Ilang beses ko uulitin magkaibigan kami'

Jolo Revilla on alleged relationship with Jodi Sta. Maria: 'Ilang beses ko uulitin magkaibigan kami'

Amidst the persistent rumors that a romance is brewing between them, Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria stress that there is no truth to this issue.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/12/2011 10:30 PM
Jolo Revilla on alleged relationship with Jodi Sta. Maria: 'Ilang beses ko uulitin magkaibigan kami'


061311-jolo-main.jpgHindi pa rin matigil-tigil ang isyung may relasyon sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Nagsimula ang intriga nang magkatrabaho ang dalawa sa teleseryeng Noah. Sinasabi kasing nagkalabuan na diumano si Jodi at asawang si Pampi Lacson at nagkakamabutihan diumano sina Jodi at Jolo. Ang huli ngang balita ay lumipad pa ang dalawa para magbakasyon sa Hong Kong. Pati kasi si Rosanna Roces na nanay ng dating nakarelasyon ni Jolo na si Grace Adriano ay kinumpirma umano ang relasyon nina Jolo at Jodi.

Inabangan naman ng The Buzz team sa departure area ang dalawa subalit ang dumating lang ay si Jolo. “Naku, imposible ‘yon,” simula ni Jolo. “Ilang beses kong kailangang ulitin na magkaibigan kami at papano ko siya isasama dito? Kumbaga ano ba naman ‘yon.

Nag-react din si Jolo sa pahayag ni Osang na may relasyon ang aktor at si Jodi. “Magkaibigan lang kami kaya please sana tigilan na natin, iba na, eh, hindi na tama,” pakiusap ng actor-politician.

Sa kanyang Twitter account naman, nag-post ng message si Jodi na kakagaling lang niya sa trabaho at kakauwi lang sa bahay sa araw na kung kailan umano sila umalis ni Jolo. Sa imbestigasyon ng The Buzz ay kinumpirma din ng staff ng 100 Days To Heaven na nag-taping nga ang aktres.

Sa ASAP Rocks din noong Linggo ay naging guest si Jodi bilang patunay na walang katotohanan na magkasama silang umalis ni Jolo.