• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz denies he and Shaina Magdayao got engaged during their European trip

John Lloyd Cruz denies he and Shaina Magdayao got engaged during their European trip

Apart from making their relationship stronger, John Lloyd Cruz shares that the European trip with GF Shaina Magdayao made them better individuals.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/12/2011 11:11 PM
John Lloyd Cruz denies he and Shaina Magdayao got engaged during their European trip


061311-johnlloyd-main.jpgIba-ibang intriga ang sumalubong kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na galing sa kanilang European vacation tour. Nariyan ang diumano’y nag-propose na ang aktor sa aktres at ang isa naman ay buntis na raw si Shaina.

Pero kampante si Lloydy na sinagot ang lahat ng isyung ito. “Buntis or ewan ko, engaged (na raw kami), mas malala pa dyan ‘yung mga ibinato sa amin pero tanggap naman namin na parte ‘yan ng trabahong pinasok namin,” simula ni John Lloyd. “Sana matuto silang tumahimik na at wala naman kaming ginagawang masama kung sino man ‘yung nang-iimbento.”  

Dagdag pa ng aktor, matindi pa ang pinagdaanan nilang kontrobersya (kagaya ng vaginal lock issue) kaya kibit-balikat na lang ang isyung proposal or buntis ngayon. “Siguro ngayon mas well-equipped na kami. Siguro ‘yung mga ganyang bagay tanggap na namin na part ng trabaho natin. Maririnig namin pagtatawanan namin pero alam naman natin di ba?” Aminado siyang malaking bahagi ng buhay niya ang showbiz pero hindi naman daw ito ang nagpapaikot ng buhay niya. “I don’t think kaya akong paikutin ng mga sabi-sabi. Sa mga natutunan natin definitely (they) helped us to make the relationship stronger. Kahit anong dumating, hopefully sa mga nangyaring ito, natutunan namin sa isat-isa, hopefully makatulong sa amin ‘yon.”

Kuwento pa ng aktor, naging enjoyable para sa kanila ni Shaina ang kanilang bakasyon para lalong tumibay ang kanilang relasyon. “Naging maganda ‘yung experiences namin, napakasaya. Pag-uwi mo parang andami mong alam bigla.