• Home
  • Fresh Scoops
  • Danica Sotto gives updates on her and Kristine Hermosa's pregnancy

Danica Sotto gives updates on her and Kristine Hermosa's pregnancy

Danica says her sister-in-law Kristine is glad to receive tips from her regarding child birth.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/11/2011 12:23 AM
Danica Sotto gives updates on her and Kristine Hermosa's pregnancy


061111-danica-main.jpgIpinagbubuntis ngayon ni Danica Sotto ang kanilang second baby ni Marc Pingris. “I’m almost six months. Okay naman, very normal, walang complications and I’m thankful to God na ganun,” bungad ni Danica.

Kasabay ding nagbubuntis ngayon ni Danica ang kanyang sister-in-law na si Kristine Hermosa. Mayroong ilang mga bagay na nai-kwento si Danica tungkol sa pagbubuntis ng kanyang hipag. “She’s seven weeks, I think mag-eight weeks pregnant, pero wala pa siyang tiyan siyempre kasi maaga pa. Medyo antukin siya ngayon. Tapos mahilig siya sa maasim, parang ako rin pero wala siyang morning sickness. When you see her parang okay naman. I think she’s really happy,” kuwento ni Danica.

Binibigyan din daw ni Danica ng tips tungkol sa pagbubuntis si Kristine lalo pa’t first time nitong magiging mommy. “Ang sinabi ko sa kanya, maingat naman si Tin, read about pregnancy, search about it or even attend classes, mommy ko rin nagbibigay ng advise,” dagdag pa ni Danica.

Naikuwento rin ni Danica na overwhelmed daw si Oyo dahil sa matagal na rin nilang wish na magka-baby ni Kristine. “They’ve been praying about it, planado talaga nila so sobrang happy siya . At first hindi siya makapaniwala na totoo ba, buntis na si Tin? Sobrang happy,” pagtatapos ni Danica.