• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler makes first public appearance since entering rehab

Baron Geisler makes first public appearance since entering rehab

The actor says he still has two months of rehabilitation to go.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/10/2011 8:35 AM
Baron Geisler makes first public appearance since entering rehab


061011-baron_main.jpgLast January nang ipasok sa isang rehabilitation facility si Baron Geisler dahil sa problema nito sa alak sa tuwing nakakainom ito. Pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi ng aktor sa rehab ay muli na itong humarap sa publiko dahil lumabas si Baron sa isang fashion show recently. “Fortunately pinayagan ako ng mga higher ups doon. I’m very thankful sa kanila na pinayagan nila ako mag-work. I feel very strong na. I still have two months to finish, may mga araw na mami-miss ako dahil sa work, siguro mas mae-extend pa ako ng mas matagal,” pahayag ni Baron.

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang nararamdaman tungkol sa statement ni Cherry Pie Picache kamakailan na napatawad na siya nito. “I appreciate na she has forgiven me na and she has moved on already. Just forget about the bad things because it will drag you down. I think nakapag-apologize na ako sa lahat, I surrender it all to the Lord. Nagdadasal din ako na mawala sa puso nila kung ano man yung hinanakit. Noong pumasok ako doon (rehab), itinuro sa akin na God is in the business of restoring people,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, ikinatuwa rin ni Baron ang pagkaka-rehab ng isa pa niyang kaibigan sa showbiz na si Jiro Manio. “I’m very happy na sinubmit niya yung sarili niya. Wala ng ibang mapupuntahan yun. Lalong masira yung buhay but now may chance siya. Kapag di ka nag-submit, nandoon ka lang sa kangkungan, buti na lang at nakabangon siya,” pagtatapos ni Baron.