Kris Aquino reacts on James Yap and Marie Digby issue

After being linked to actress Isabel Oli, Kris Aquino's ex husband is now being associated with international singer Marie Digby.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

6/1/2011 9:06 AM
Kris Aquino reacts on James Yap and Marie Digby issue


060111-kris_main.jpgKapansin-pansin ang kakaibang glow ni Kris Aquino ngayon. Marami tuloy ang nagtatanong kung may bago na bang inspirasyon o nagpapatibok sa kanyang puso? “Wala! Hindi, wala talaga, kung meron talaga if it happens in my life again and ma-bless ako, sa show ko na sasabihin ‘yun. Sa July abangan n’yo po,” masayang bungad ni Kris.

Samantala, matapos maugnay kay Isable Oli si James Yap ay isang bagong babae na naman ang nali-link sa basketball player ngayon, ang youtube sensation na si Marie Digby. Ayon sa mga balita at madalas daw ang palitan nina James at Marie ng mga messages sa text at Facebook. Ano kaya ang masasabi ni Kris sa balitang ito? “Deadma talaga ako, kung kay P-Noy deadma ako, mas deadma diyan. Kasi let him have his privacy, kasi the very factor na we are hiwalay already, gives him some measure of privacy that he didn’t have in our marriage,” pahayag ni Kris. Kilala ba ni Kris si Marie personally? “Ayoko nang sagutin, tama na! akala n’yo mapapaikot n’yo ako, hindi talaga,” natatawang sagot ng aktres.

Kanino kaya mas boto si Kris kina Isabel at Marie kung siya ang papipiliin para kay James? “Wala akong boto! Wala akong karapatan bumoto kasi siya later on in life, ayokong magboto-boto rin siya sa love life ko, so no! no! no! Ayoko! Wala akong boto,” pagtatapos ng Queen of All Media.