• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on Miguel Villafuerte: “Mas maa-appreciate ko 'pag mas personal 'yung pag-reach out.

Sarah Geronimo on Miguel Villafuerte: “Mas maa-appreciate ko 'pag mas personal 'yung pag-reach out.

After the heartbreak she previously experienced with Rayver Cruz, Sarah Geronimo says she will most likely listen to her parents when it comes to matters of the heart.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/9/2011 2:46 PM
Sarah Geronimo on Miguel Villafuerte:  “Mas maa-appreciate ko 'pag mas personal 'yung pag-reach out.


0050911-sarah-main.jpgKinumpirma ni Sarah Geronimo ang mga balitang may ipinadala sa kanyang regalo ang anak ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte na si Miguel Villafuerte. Maugong kasi ngayon ang mga bali-balitang masugid na manliligaw ngayon ng Pop Princess si Miguel.  “May cake na pinadala sa bahay, ganyanmasarap ‘yung cake. Salamat po madami akong kinain,” sabay halakhak ni Sarah sa panayam ng The Buzz.Hindi naman ganun katamis ‘yung strawberry cake.”
 
Gayunpaman tila may pagpaparinig ang sumunod na pahayag ni Sarah na sinabing mas gusto umano niya kung personal na ihahatid ang mga ipinapadala sa kanya. “Personally mas maa-appreciate ko ‘pag mas personal ‘yung pag-reach out sa ‘yo. Hindi papadaanin sa ibang tao. Mas preferred ko po ‘yon,” pahaging ng singer-actress. Hindi pa raw sila personal na nagkikita o nagkakakilala ni Miguel pero nakita na raw umano niya ang mga pictures ng binata.
 
Sa isyu naman kung payag na ba ang ina niyang si Mommy Divine na magpaligaw siya, sinabi ni Sarah na dahil sa mapait na karanasan niya with Rayver Cruz ay mas na-realize niyang importante raw ang sasabihin ng ina. “Tama na ‘yung mga ilang beses na nasaktan ko sila (mga magulang), di ba? Oo, anak po nila ako pero may sarili rin naman akong puso, may sarili din naman akong isip. Pero ‘yun nga laging tama ang mga magulang. Most of the time, talagang tama ang pakiramdam ng mga magulang. Mas vina-value ko na ‘po ngayon ang opinyon ng mga magulang ko, ni Mommy.”
 
Samantala, sinabi naman nina Boy Abunda at Charlene Gonzales na kilala nila si Miguel dahil pareho silang mga kaibigan ni Gov. LRay Villafuerte. Ang deskripsiyon nga nila sa binata ay guwapo at matalino at nag-aaral pa sa ibang bansa.