• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales wows Hollywood and gets a special acting award

Jericho Rosales wows Hollywood and gets a special acting award

With the success of 'Subject I Love You,' Jericho Rosales says Hollywood has a big market for Filipino actors.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/8/2011 11:10 PM
Jericho Rosales wows Hollywood and gets a special acting award


0050911-echo-main.jpgIsa na namang malaking karangalan ang iniuwi ni Jericho Rosales para sa Pilipinas matapos siyang bigyan ng special artist award for Outstanding Achievement in Acting sa Newport Beach Film Festival for his role in the film, Subject I Love You. Sinabi rin ni Echo na ito raw ang dahilan kung bakit madalas siyang mag-English noong mga nakaraang taon na naging isyu pa nga dahil “trying hard” daw ang aktor. “Kaya ‘yung mga nakaraan na natsi-tsismis na english ako nang english, nagpa-praktis po ako nun,” pag-amin ni Echo.
 
Three years ago, nakatanggap raw ng tawag ang management ni Echo, ang Genesis Entertainment na nagpapa-audition para sa Pilipinong aktor para sa isang international independent movie, ito nga ay ang Subject I Love You. Ang ginawa raw ng aktor matapos siyang mapili ay nakisalamuha siya sa mga kapwa niya artista para mahasa ang pagsasalita ng Ingles. “Gaya nung ginawa ko nung Manny Pacquiao, The Movie, kasama ko lahat ng trainors ni Manny Pacquaio. So ganun lang naga-adapt ‘yung sarili mong dila ‘pag nagsasalita ka na.
 
Kuwento ni Jericho pinakamahirap daw noong gawin niya ang pelikula ay ang manatiling relax dahil sa bigatin ang mga nakasama niya. “Sila kasi big stars, starstruck talaga ako. Andun sina Briana Evigan (Step Up 2), Dante Basco (na idinirehe dati ni Steven Spielberg sa pelikulang Hook). ‘Yung ganung klase ng background kinabahan ako do’n. So anong ibibigay ko, di ba? Wala akong idea kung paano sila (magtrabaho). Nag-aral ang mga ito, di ba?
 
Sa The Buzz kahapon, si KC Concepcion ang nag-interview kay Echo at ibinunyag ng actress-host na sa 2000 film entries, 400 lamang ang napili na mula sa 50 bansa. Idinagdag pa ni Echo na na-impress daw talaga umano ang chairman ng Newport Beach Film Festival sa pelikulang Subject I Love You na bukod tanging nagkaroon ng second screening dahil sa dami ng mga Pilipinong nanood.  “I believe this movie is a big opening not just for me but (to) a lot of artists. Salute sa lahat ng Pinoy sa TFC (The Filipino Channel), salute sa lahat ng Pinoy sa (United) States.
 
“People in the (US) now medyo na-open ang isip nila na may market ‘yung Pilipino. Andami nating Pilipino sa buong mundo so there’s a market, meaning ‘pag may market sa States na pumupunta meaning pwede tayong mag-cross over.”  Sa ngayon daw ay naghahanap ng Hollywood ng mga Pinoy na aktor at sinabi ni Echo na patuloy ang kanyang gagawing audition para sa pagunlad ng kanyang international career.