Is Luis Manzano dating Jennylyn Mercado?

The actor-host says that he also deserves to keep some things about his life private.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/8/2011 11:15 PM
Is Luis Manzano dating Jennylyn Mercado?


0050911-luis-main.jpgTikom ang bibig ni Luis Manzano sa kontrobersyang nakita diumano siya na kasama si Jennylyn Mercado na nagsa-shopping sa isang grocery store sa Taguig noong Miyerkules, May 4. Sinasabi ring ang pakikipag-date umano ni Luis ay bunsod ng pagka-apektado niya sa namumuong magandang pagtitinginan ng dating girlfriend na si Angel Locsin at football star Phil Younghusband.
 
Dahil ayaw magsalita kung totoong nakita silang magka-date ni Jennylyn, ang tanging sinabi ni Luis sa interview sa kanya ng The Buzz, “Tandaan n’yo ang sinabi ko for 2011, anything and everything… “(There are) certain aspects of life, na-realize ko lang, you need not share sa lahat. Hindi masama (ang) magtira sa sarili,” paliwanag niya. Hindi rin daw ito hudyat bilang pagmu-move on niya sa nakaraan nila ni Angel. Personal choice raw niya ang mga hakbang niya.
 
Samantala, sinabi ng aktor na dahil live ang ginawa nilang episode ng Pilipinas Got Talent nung Sunday ay baka hindi sila makalabas ng ina na si Batangas Governor Vilma Santos to celebrate Mother’s Day. Pero ‘di naman nababahala si Luis dahil babawi naman daw siya sa mga susunod na araw. “Kasi nga ang schedule ko unbelievable, pero ‘di ko naman nakakalimutan batiin si Mommy.”