Sam Concepcion also gets into a traffic mishap

After the death of friend AJ Perez in a vehicular accident, Sam advices everyone to be careful on the road.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/6/2011 2:00 PM
Sam Concepcion also gets into a traffic mishap


050611-samc_main.jpgMatapos ang biglaang pagkamatay ni AJ Perez dahil sa isang vehicular accident ay isang kasamahan pa rin ng young actor sa all male group na Giggerboys ang nasangkot sa isang aksidente. Gabi ng May 2 habang pauwi na si Sam Concepcion mula Baguio ay nabangga ang kanilang sinasakyan na van. “Nandoon po ako for Department of Education campaign. On our way home nabangga po kami sa Pangasinan area. Yung van na sinasakyan namin nabundol po kami ng jeepney,” bungad ni Sam.

Malaki naman ang pasasalamat ng singer-actor dahil nakaligtas naman daw sila sa nasabing aksidente. “Thankfully, wala po sa aming nasaktan. Medyo nag-freakout po ako noong nangyari kasi I was asleep, nandun po ako sa may harapan. Medyo nagulat po talaga ako kasi sa mga nangyari lately, kinabahan din po ako,” seryosong kuwento pa ni Sam.

Mayroon namang paalala si Sam para sa lahat ng mga nagmamaneho at nagbibiyahe. “Ingat lang po sa biyahe lagi, makararating naman po tayo sa mga pupuntahan natin so huwag tayong magmadali. Don’t drink and drive, don’t text while driving, be a responsible driver, sana mas maging defensive driver tayong mga Filipino,” pagtatapos pa niya. Hindi na nakapagpatingin sa ospital si Sam after the accident dahil dumiretso rin kaagad siya sa domestic airport papuntang Cagayan De Oro para sa isang show.