Phil Younghusband describes meeting Angel Locsin's family

The football star and the actress seem to be getting closer as Phil attends charity events with Angel and gives her an expensive bag for her birthday.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/6/2011 8:59 AM
Phil Younghusband describes meeting Angel Locsin's family


050611-phil_main.jpgMukhang nagkakamabutihan na sina Angel Locsin at Phil Younghusband ngayon. Bukod kasi sa balitang madalas raw mag-date ang dalawa ay na-meet na rin daw ng football superstar ang pamilya at mga kaibigan ng aktres. “Kasi yung first meeting with Angel, I met her family. I came on my own and it was nice. It was good to meet her dad, and her brothers and sisters and friends and family. They made it easy for me,” kuwento ni Phil. Kinabahan daw ang binata ng mga sandaling iyon.

Kasama rin ni Angel si Phil last Tuesday sa Golden Acres para sa charity work ng aktres as part of her birthday celebration. “Well, I wanted to be with Angel in a day and she’s one of the kindest people. Nicest people you’ll ever meet and what she does for charity is amazing and I wanted to be with Angel in that day,” pagtatapat pa ng binata.

Isang mamahaling bag ang iniregalo ni Phil sa dalaga dahil ito raw ang suggestion ng mga taong malalapit kay Phil. “It’s her birthday, kasi gusto kong yung isang material and isang sentimental present so siyempre kailangan ko girl’s advice, kasi hindi ako experienced sa picking presents so may advice from friends and family,” dagdag pa ni Phil.

Super proud din si Phil kay Angel dahil sa pinakabagong movie project nito with Aga Muhlach na “In The Name Of Love”. Suportado rin daw ng binata ang lahat ng ginagawa ni Angel. “Sobrang happy ako sa kanya kasi sobrang masipag siya, sobrang talented siya. She really deserves and congratulations to Angel,” pagtatapos ng football player. Ngayon ay nasa “exclusively dating” stage pa rin daw ang dalawa.