Have Melissa Ricks and Jake Cuenca parted ways?

Melissa Ricks finally speaks up about her rumored split with Jake Cuenca.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/5/2011 8:47 AM
Have Melissa Ricks and Jake Cuenca parted ways?


050511-melissa_main.jpgKamakailan ay kabi-kabila ang naglabasang issue tungkol sa diumano’y nagtapos na ang relasyon nina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Wala na raw kasing oras ang binata para sa aktres kaya nagkahiwalay ang dalawa. Naging tahimik ang magkabilang kampo buhat nang naglabasan ang balita tungkol sa kanilang hiwalayan.

For the very first time ay nagsalita si Melissa para linawin ang issue. “No, hindi. Okay naman kami, yung mga tsismis lagi na lang may tsismis,” bungad ni Melissa.

Maganda pa rin naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa kahit hindi sila masyadong nagkikita ngayon. “Okay naman pero he’s been really busy nga finishing up the movie so hindi kami nagkikita masyado pero we’re okay so sana huwag na intrigahin na naman, kasi wala,” dagdag pa ng dalaga.

Pareho raw inaalagaan nina Jake at Melissa ang kanilang relasyon para mas maging maayos ito. “I think naman it wouldn’t last that long kung hindi namin inaalagaan. So I’m happy rin na siya ang napilinaks! I’m very lucky to have him whatever na napagdaanan namin ni Jake, marami akong mahirap na challenge, huwag na nating i-elaborate. Marami akong natutunan, and he’s done a lot of things din for me. Talagang yung bond namin is just not like a relationship, it’s more of friendship,” paliwanag ni Melissa.