Rehab issue sa aktres 'di mamatay-matay!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

5/5/2011 12:00 AM
Rehab issue sa aktres 'di mamatay-matay!


050511-blinditem.jpgMULING pinaguusapan ang isyu na nasa rehabilitation ang isang aktres dahil sa drugs. Akala namin ay tapos na ang isyung ito dahil may ilang tagapagtanggol ang aktres n nagsasabing hindi ito totoo.

Subalit nitong mga nakaraang araw ay muli na namang umingay ang balita. Presently ay naka-rehab nga raw ito dahil sa pagkalulong sa drugs. Ang itinuturong dahilan ay ang karelasyon ng aktres na mula sa isang kilalang angkan.

"Wala nang iba, kundi ang boyfriend niya ngayon," sabi ng kausap ng push.com.ph.

"Kasi she has had affairs in the past pero hindi naman siya nagkaroon ng malalang bisyo. Matino siya before sa mga nakarelasyon niya. Pero itong huli, di magandang impluwensiya."

Ilang buwan na din ang rehab issue sa aktres pero hanggang ngayon ay hindi pa ito namamatay. Kahit sa mga showbiz insiders, walang makapagsabi kung nasaan ang aktres. At ang sinasabi nga ay nasa drug rehabililation center daw.
Sayang ang magandang pangalan ng aktres na ito. Kung kailan naman naging established na ay doon pa nalulong sa bisyo.