• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales shares his experience at the premiere of his international film

Jericho Rosales shares his experience at the premiere of his international film

The actor shares what it's like to attend 'Subject I Love You's' premiere at the Newport Beach Film Festival in the US.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/4/2011 9:13 PM
Jericho Rosales shares his experience at the premiere of his international film


050411-echo-main.jpgKaninang umaga ay nakabalik na sa bansa sina Jericho Rosales at Gary Valenciano mula sa kanilang successful movie premiere na ginanap sa America. Galing ang dalawa sa Newport Beach Film Festival sa California para sa screening ng kanilang international film na Subject I Love You. Sobrang hankful nila Jericho at Gary V. sa lahat ng mga kapwa Pinoy na tumangkilik sa kanila roon. “Salamat po sa lahat ng Pilipinong nagpunta sa premiere namin. Marami rin yung Amerikanong nanood, pati media, exciting iyon. Nagpalakpakan sa huli, nagre-react sa mga eksena. Ibang klaseng experience iyon para sa akin,” kuwento ni Jericho.

“Sold out yung pelikula ni Echo, among four hundred plus films yun lang ang naging sold out tapos may second screening pa sa Thursday,” pahayag naman ni Gary V.

Very memorable daw para kay Jericho ang nasabing event dahil naranasan niyang lumakad sa red carpet sa ibang bansa. “Basta pagtapak ko sa red carpet, boom! Waah! Dapat nagbaon ako ng maraming English doon, ha-ha-ha! Kakaiba yung experience. Pagtapak mo doon, ii-introduce kayo, yung mga actors di ba? Then ang daming photographers, calling your name Jericho! Briana!” dagdag pa ni Echo.

“After the movie, may question and answer, doon mismo. Punta kami sa harap, may Q and A. Ang saya ng mga tao feel na feel pa rin nila yung pelikula, they’re asking questions and they see the artists there,” kuwento naman ni Mr. Pure Energy.

Mas nakilala rin daw ni Jericho ang kanyang co-actor sa pelikula na si Briana Evigan na isang Hollywood actress. “Mabait, grabe! Sobrang bait, siya nag-alaga sa amin, sa akin doon, first timer tayo eh. Pagdating sa red carpet, sa press, interviews. Tinulungan niya ako, she made it easy for me. Sobrang saya niya pa kasama. Siguro kung wala siya doon hindi ganoon kasaya magiging experience namin,” pagde-detalye pa ni Jericho. Ngayong close na sina Briana at Jericho ay possible kaya na ligawan ng aktor si Briana? “Briana has a boyfriend, so wala naman talagang ano doon, but yes, may mga nakilala ako doon pero hindi, nothing ano, walang romantic ano, natuwa lang ako,” nakangiting pagtatapos ni Jericho.