Pokwang speaks up on returning to hosting a noontime show

The comedienne is very glad to be part of the Happy Yipee Yehey family beginning May 7.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/3/2011 8:56 AM
Pokwang speaks up on returning to hosting a noontime show


050311-pokwang_main.jpgLast April 18 ay nag-guest si Pokwang sa Happy Yipee Yehey para mag-promote ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak!. Noon ay biniro pa nina John Estrada at Randy Santiago si Pokie kung gusto raw ba nitong magbalik sa noontime show. Game na game namang sinakyan ni Pokie ang mga biro nina John at Randy.

Sa darating na Sabado (May 7) ay kumpirmadong magbabalik noontime show na si Pokwang. Madadagdag siya as host sa Happy Yipee Yehey kaya ngayon pa lamang ay excited na si Pokie sa kanyang mga makakasama  sa nasabing show. “Si Kuya Randy (Santiago) ilang beses ko na naka-trabaho sa abroad, sa Aalog-Alog siya ang direktor namin. Si Toni (Gonzaga) sa Crazy For You, Si Mariel (Rodriguez) sa Wowowee. Si Melai (Cantiveros) naman sa Banana Split. Si John Estrada, first time kong makaka-trabaho at nakikita ko na di naman siya mahirap mahalin at ka-trabaho,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

Na-miss ni Pokie ang pagho-host at magpasaya ng ating mga kababayan kaya ngayon pa lamang daw ay todo na ang kanyang ginagawang preparations. “Yung passion ko sa trabaho mas mapagpapatuloy ko. Kailangan yung pagbabalik mo ay maayos, at yung mga taong matagal na naghintay ay satisfied sila sa pagbabalik mo, at pag-aaralan ko rin yung bagong format ng show, yung mga games,” dagdag pa niya. “Kapag nabuo yung pamilya namin, doble saya nito. Kung gaano ka kasaya sa ginagawa mo, nagre-reflect iyan sa mga taong nanonood sa iyo. Nahahawa na sila sa kung gaano sila kasaya, kaya Happy Yipee Yehey tayong lahat,” pagtatapos ni Pokwang.