• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee explains why he couldn't make it to AJ Perez's funeral

Enchong Dee explains why he couldn't make it to AJ Perez's funeral

The young actor says he already paid AJ his final respects and has already talked to AJ's father Gerry.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/4/2011 7:35 AM
Enchong Dee explains why he couldn't make it to AJ Perez's funeral


050411-enchong_main.jpgIsa si Enchong Dee sa mga pinakamalalapit na kaibigan ng yumaong young actor na si AJ Perez. Magkasama ang dalawa sa all male group nilang “Gigger Boys”. Marami ring pinagsamahan sina Enchong at AJ na mga shows noon.

Hindi nakapunta o nakabisita si Enchong sa burol o libing ng kanyang kaibigan dahil hindi kaagad ito nakauwi mula sa Star Magic 18 U.S. concert tour. Hindi nagawa ni Enchong na humabol dahil kahilingan daw ito ng isang taong malapit sa kanyang puso na nasa America. “It was my lolo who wanted me to stay longer sa New York, kasi it’s been a while since we saw each other,” paliwanag ni Enchong. April 28 na nakabalik sa bansa si Enchong.

Pagkadating ng binata sa bansa ay agad daw siyang nagtungo sa puntod ni AJ sa Manila Memorial Park. “The moment I arrived, pagkagising ko, pumunta kaagad ako sa puntod ni AJ. I want to pay respect to him, kumbaga that’s the least thing I can do for him. Tapos tumawag din ako kay Tito Gerry (ama ni AJ) para kamustahin siya, mabigat pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala, the last time I saw him, inimbitahan niya ako sa isang get together nila, sabi ko nga parang hindi ko maisip, magkasama yung death at si AJ sa iisang sentence so mahirap talagang paniwalaan,” kuwento ni Enchong.

“I just wanted to say, especially his family, gabayan sila para makapag-moveon nang mabilis. I think there’s plan si God para sa kanya, there’s a purpose anything that happens to us,” pagtatapos ni Enchong.