Piolo Pascual opens up to KC Concepcion on The Buzz

The actor reveals that the most special gift from girlfriend KC Concepcion are the non-material things she gives.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/30/2011 12:04 AM
Piolo Pascual opens up to KC Concepcion on The Buzz


053011-piolo-main.jpgNagkaroon ng one-on-one interview sina KC Concepcion at Piolo Pascual kahapon sa The Buzz sa kauna-unahang pagkakataon bilang magkasintahan. Malakas na hiyawan ang laging rinig sa audience dahil sa sobrang kilig ng interview ng dalawa.

Ang unang itinanong ni KC kay Piolo ay kung anong regalo ang nagustuhan ng aktor sa mga iniregalo sa kanya ng aktres. “Lahat naman ng regalo mo meaningful sa akin,” simula ni Piolo. “Just like you, I give value more on what’s written, sa card ‘di ba? I know you’re a good writer so I appreciate that more and at the same time ‘yung mga sinusulat mo galing sa puso. I appreciate that more.” Idinagdag din ni Piolo nagustuhan din niya ang camera na Christimas gift sa kanya ni KC. “I didn’t expect the camera that you gave me. That’s what I always use in taking pictures, whenever I use the camera naaalala kita.

Sinagot din ni Piolo ang tanong na kung paano siya magtampo. “I’m very quiet. I hate arguments so one of the things I do bukod sa nagsa-shutdown ako, tumatahimik talaga ako kasi ayokong may masabing ‘di maganda. Ayokong makipag-away so tahimik na lang ako.” Paglilinaw pa niya ‘pag naging kalmado na siya ay nakikipag-ayos naman siya. “Napag-uusapan naman ‘yon. After a while sinasabi mo nga ‘pag kumalma ka na kapag nawala na ‘yung surge of emotions, pag-uusapan.”  

Marami naman ang nagulat nang sinabi ni Piolo na hindi siya nagbibigay ng pangako dahil promises are meant to be broken. Pero depensa naman niya ang kanyang dahilan. “You don’t promise, you just do it. If you say yes, it’s a yes, it’s a commitment.”

Kung meron naman daw siyang pangakong ibibigay sa mga taong nagmamahal sa kanya, sagot ni Piolo,” I promise to be real, I promise to be honest and always sincere with whatever. Sa buhay naman we only live once.” Bilang tao raw ang nagkakamali tayo gayunpaman, kaya naman daw itong ituwid at kailangan lang ibigay ang lahat ng makakaya sa buhay.