• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada denies hurting the floor manager of Happy Yipee Yehey!

John Estrada denies hurting the floor manager of Happy Yipee Yehey!

The actor-host explains that he discussed some things with their show's floor manager but he denies punching him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/29/2011 10:50 PM
John Estrada denies hurting the floor manager of Happy Yipee Yehey!


053011-john-main.jpgItinanggi ni John Estrada na sinaktan niya ang floor manager ng kanilang show na Happy, Yipee, Yehey! matapos diumano’y pagsalitaan nito ng di maganda ang ilang senior citizens na nanonood ng show noong nakaraang linggo.

Kuwento ni John, “Bago kami mag-umpisa ng show mayroon kaming nabalitaan diumano na may pinagalitan si Alex Magbanua (floor manager ng show) na studio audience na umihi na (nung) bumalik, ‘di na pinabalik. Papunta na kami ng studio namin bigla akong niyakap ng tatlong matatanda, umiiyak, ‘Ba’t ganun ‘yung director (Magbanua) n’yo parang masakit magsalita?’ Kumbaga nag-joke. Siyempre napahiya ‘yung mga matanda. Actually nasaktan ako, so totoo lang uminit ang ulo ko. So dun talaga ‘di na ako nakapagpigil sabi ko ‘di bale po mga lola pasok na kayo ako na bahala.

Pagkatapos raw noon ay kinausap niya ang creative manager ng Happy,Yipee, Yehey! upang himukin itong kausapin si Magbanua. Paliwanag pa ni John, hindi niya sinasabing masama ang floor manager nila subalit sinabing kailangan ay maging sensitibo sa pakikipag-usap sa mga tao. “Kinausap ko si Alex, talagang pumutok ako dahil nakita ko ‘yung lungkot at umiiyak, ‘yung mga lola natin, eh. Definitely ‘di ko sinuntok si Alex, sinuntok ko ‘yung pader. ‘Yun ang nangyari ‘yon ang totoo,” paniniyak ng actor-host.  

Nag-sorry naman daw si Alex sa mga matatanda at kahit si John ay nag-sorry raw kay Alex at sa lahat ng staff at crew ng Happy Yipee Yehey!.Ganoon naman tayong lahat hindi naman araw-araw maganda ang mood natin. Ang maganda don na-realize namin may nagawa kaming mali at inayos namin kaagad at inamin namin na mali kami.”