Enchong Dee: 'Magkaibigan lang po kami ni Julia Montes'

The actor confirms that he and Julia Montes were spotted together at a restaurant but denies they have a relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/29/2011 10:31 PM
Enchong Dee: 'Magkaibigan lang po kami ni Julia Montes'


053011-enchong-main.jpgInamin ni Enchong Dee sa interview ng The Buzz kahapon na magkasama sila ni Julia Montes nang mamataan ng ilang press sa isang restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City kamakailan lamang. Pero paglilinaw ni Enchong, hindi lang silang dalawa ang magkasama dahil kasama rin sina Kathryn Bernardo at Diego Loyzaga na kasama ni Julia sa teleseryeng Mara Clara.

Noong isang linggo ay itinanggi ni Julia ang mga bali-balitang dalawang buwan na raw silang magkasintahan ni Enchong. Dagdag naman ni Enchong marami raw siguro ang nag-iisip na dalawang buwan na sila pero siguro dahil nang matapos ang kanilang afternoon show na Shout Out ay nagsimula na silang makitang magkasama kapag lumalabas.  “Kasi ako talaga pagkakaintindi ko ng date kapag kayong dalawa lang, kapag kaming dalawa nakita n’yo, date na ‘yon,” paglilinaw ni Enchong.

Hindi rin daw totoong napailing siya nang makita niyang may mga press people sa pinuntahan nilang restaurant kundi nagulat daw siya dahil alam niyang maisusulat iyon. Bilang paglilinaw, sinabi ni Enchong na walang namamagitan sa kanila ni Julia bukod sa pagkakaibigan. “Once and for all, magkaibigan lang po kami ni Julia Montes,” ngiti ni Enchong.