Derek Ramsay clarifies rumors linking him to Erich Gonzales

The Fil-Brit actor says that he is a loyal boyfriend ni Angelica Panganiban.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/29/2011 11:33 PM
Derek Ramsay clarifies rumors linking him to Erich Gonzales


053011-derek-main.jpgNagsalita kahapon si Derek Ramsay sa The Buzz upang linawin ang mga isyung ibinabato sa kanya kabilang na ang pagkaka-link sa kanya ni Erich Gonzales.

Sa simula ng interview, tinanong si Derek ni Boy Abunda kung naniniwala ba siyang ang kanyang pagiging kontrobersyal ay indikasyon ng pagiging sikat. “I strongly believe that it’s there,” pagkumpirma ni Derek. “Kami ni Angel (Angelica Panganiban) we’re blessed with a lot of work, the more work we have the more intrigues we have,” pahayag ng aktor tungkol sa kanilang dalawa ng kanyang girlfriend. Kapag naman daw wala silang projects ni Angelica ay hindi naman sila naiintriga.

Sa lahat daw ng kontrobersyang kinasasangkutan niya, pinaka-nabahala diumano siya sa isyung mayroon siyang cancer. Sa pamilya kasi ay tatlo sila na ang pangalan ay Derek Ramsay—ang kanyang ama, kapatid at siya. At nagkataon pang kakagaling lang sa check-up ng kanyang ama. Biro pa niya ay pinagalitan daw siya ng ama dahil madali siyang mag-alala pero nasa maayos na kalagayan naman ito.

Sabi pa ni Derek, hindi siya kabado sa mga intrigang ipinupukol sa kanya. “Alam ko ‘yung totoo. Whether may sex video, cancer, babae na ‘di ko kilala, I just throw it over my shoulder and move on.” Hindi naman daw nila pinag-aaksayahan ng panahon ni Angelica ang mga isyung ito.

Kadalasan daw ay nalulungkot siya na lumalabas na pangit ang ugali ni Angelica dahil sa pagtatanggol sa kanya at sa kanilang relasyon mula sa mga intriga pero aniya, malambot talaga ang puso ng aktres.

Nilinaw rin ni Derek ang pagkaka-link niya kay Erich at sinabing hindi lang sila nagkatrabaho sa Magkaribal kundi pati sa Corazon, isang pelikula na ginagawa nila ngayon. Kinumpirma rin niyang niyaya niya si Erich na pumunta sa bahay nila. “This was over a year ago, that Angel knew about, that I was already interviewed about. It was making it look like si Erich ‘yung pumapasok, ‘yung nagi-intrude. It’s not true guys, my mom asked if she could meet her and I asked Erich and Erich was so nice and she said yes. Angel knew about this, I went out, stepped out of my way, ako mismo humarap sa camera to clear this issue, this was almost a year ago.” Idiniin rin ni Derek na loyal siya bilang kasintahan ni Angelica.