• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual says his relationship with KC Concepcion is not a publicity stunt

Piolo Pascual says his relationship with KC Concepcion is not a publicity stunt

The actor says it's unfair for people to say his relationship with KC is just for show because of an endorsement deal.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/26/2011 8:44 AM
Piolo Pascual says his relationship with KC Concepcion is not a publicity stunt


052611-piolo_main.jpgMarami pa ring bumabatikos sa relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion hanggang ngayon. Ang latest issue ay umamin lang diumano ang dalawa dahil sa endorsement na magkasama sila. Ano kaya ang masasabi ni Piolo tungkol dito? “Everyone thought that I admitted because of the project. It was unfair, because parang naging people thought it was a plan, it was a promo ‘coz when the campaign came out, iisipin mo connected, yun nga lang when they got us, bago ko pa tanggapin, they were already cooking up a campaign for us. We’re just more careful with what we accept, as a love team, as a couple,” seryosong pahayag ni Piolo.

Muntik na raw magkasama sina KC at Piolo sa isang pelikula pero sila na mismo ang nag-decide na huwag nang ituloy ang nasabing plano. “Hindi mo rin maiaalis yung mga sinasabi ng tao, hindi rin naman kami manhid. Nakakakita at nakakarinig din kami so I think safer na nakahiwalay yung private life n’yo sa showbiz. So iba yung trabaho niya, iba yung trabaho ko. It’s private, it’s personal kasi di ba yung usual na sinasabi nila pareho lang kayong artista, or you’re doing something for work,” pagtatapat pa ng aktor.

Samantala, masaya ngayon si Piolo dahil sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Angelica Panganiban. “The last time I worked with her was Mangarap Ka pa sa TV, seventeen pa lang siya, pero ngayon she has changed a lot at makikita mo sa kanya nag-blossom siya. I’m excited kasi fan ako ng Here Comes The Bride. Malaki ang respeto ko sa kanya, never siyang na-late sa set. Never siyang nagpakita ng attitude, I’m sure magiging masaya,” kuwento ni Piolo.