• Home
  • Fresh Scoops
  • Gov. Vilma Santos shares her thoughts on son Luis Manzano's relationship with Jennylyn Mercado

Gov. Vilma Santos shares her thoughts on son Luis Manzano's relationship with Jennylyn Mercado

The actress-politician says she is not worried about Luis and Jennylyn's relationship.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/26/2011 8:41 AM
Gov. Vilma Santos shares her thoughts on son Luis Manzano's relationship with Jennylyn Mercado


052611-vilma_main.jpgMatapos aminin ni Luis Manzano last Saturday sa Entertainment Live ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Jennylyn Mercado ay marami ang nagtanong kung alam daw ba ni Governor Vilma Santos ang tungkol dito. “Yeah in a way, alam ko rin naman na nagde-date-date. Ang iniisip kasi ng iba parang mabigat na mabigat na yung relasyon, bago pa lang naman ito. Nagde-date lang sila, nagkikita sa training,” pahayag ni Ate Vi.

Sa ginawang pag-amin ni Luis ay nag-react daw ang ilang Vimanians nang ikumpara ng binata ang naging sitwasyon noon ng kanyang ina at sitwasyon ni Jennylyn ngayon. “Wala naman pong masama doon kung nabanggit ni Lucky na nai-compare ako kay Jen, maybe because the time when I got married again, anak ko na siya. Siya yung di nakaranas ng discrimination kahit nagkaroon ako ng second chance at married life. Ang Vilmanians ko palagay ko malawak ang pag-iisip niyan, pero kung may reaksyon man sa Vilmanians ko, di lang yata sila ang nagre-react, ganon lang yata ang tao, mapag-react,” dagdag ni Ate Vi.

Sinagot din ni Ate Vi ang tungkol sa issue na ginagamit lang diumano ni Jennylyn si Luis. “Nako! Expected din naman yung mga user-user na ganyan. Sino ba naman ang hindi napagbintangan na gumamit kanino man? Pero kapag inintindi mo lahat ito, hindi ka magiging maligayang tao, so basta’t ang pinaka-importante, kung ano ang nararapat mong gawin na ikaliligaya mo, makakapag-paligaya ka ng ibang tao. Hindi ka nananakit, go ahead. That is your life at the end of the day,” paliwanag pa niya.