Kristine Hermosa confirms she's pregnant

The actress thanks her fans who continue to support her career even though she's on a hiatus from acting.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/25/2011 8:36 AM
Kristine Hermosa confirms she's pregnant


052511-kristine_main.jpgLast January nang magpakasal sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa Batangas. Naging private ang nasabing kasalan dahil close friends and family lang ang naimbitahan dito.Mu la noon ay inabangan na ng lahat ang pagbubuntis ni Kristine. Maging sina Dina Bonnevie at Vic Sotto ay excited na rin sa pagkakaroon ng apo kay Oyo.

Ang last public appearance nina Kristine at Oyo ay sa premiere night ng pelikulang Who’s That Girl last March. Doon ay nagbigay ng pahayag ang dalawa at umamin na hindi pa raw talaga buntis si Kristine at hihintayin na lang nila ang right time kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon ang kanilang magiging anak.

Ang good news ngayon ay buntis na si Kristine at kahapon ay isang text message ang kanyang ipinadala to confirm that she is pregnant. “Yes po, I’m 6 weeks pregnant!! Yahoooo!!! God is really good… More to come. Hahaha!!! I want to thank all my supporters for the prayers. God bless you all!”