Aiai Delas Alas says she is willing to help Jiro Manio

The actress says she is willing to help her 'anak-anakan' change for the better after being rehabilitated for his drug addiction problem.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/25/2011 9:10 PM
Aiai Delas Alas says she is willing to help Jiro Manio


052511-aiai--main.jpgNgayon ay nahaharap sa matinding pagsubok ang former child star na si Jiro Manio. Voluntary na ipinasok ang sarili ng aktor sa isang rehabilitation center noong March dahil sa pagkakalulong nito sa drugs. Isa raw sa mga gustong hingan ng tulong ni Jiro ngayon ay ang tumayong pangalawang ina sa kanya na si Aiai delas Alas.

Naging close sina Jiro at Aiai dahil sa tatlong “Ang Tanging Ina” movies na pinagsamahan ng dalawa. Ano kaya ang masasabi ng comedy queen tungkol dito? “Kung ano hihingin niyang tulong sa akin as long as makakaya ko, ibibigay ko kay Jiro. Noong una nalulungkot ako pero kailangan nating mag-move forward, hindi pwedeng malulungkot lang ako, kailangan ay tulungan ko siyang makabangon,” seryosong pahayag ni Aiai.

Sobrang nanghihinayang daw si Aiai kay Jiro dahil magaling daw itong aktor. Handa rin daw tumulong ng atres kay Jiro para muli itong makabalik sa showbiz kapag nakalabas na ito mula sa rehab. “Lahat tayo may tsansang magbago, lahat tayo may tsansang magbalik-showbiz. Tutulungan ko na sana makabalik siya. Nandiyan naman si Direk Wenn Deramas at iba pang direktor na tutulong din. Ipapakiusap natin kapag nakalabas na siya sa rehab. Sana makabalik showbiz siya. Eventually, kapag nakabangon na siya at nakabalik showbiz na siya sana, asikasuhin niya pamilya niya,” dagdag pa ng comedy queen.

Mayroon ding mensaheng nais iparating si Aiai kay Jiro para maging matatag ito habang nasa loob ng rehab. “Jiro huwag ka makakalimot magdasal. Huwag ka makakalimot sa mga taong nagmamahal sa iyo, sa pamilya mo, sa anak mo, sa girlfriend mo, at nandito kami. Hindi lang siguro ako, yung iba mo pang mga kapatid sa Tanging Ina, nandito kami para suportahan ka at sana huwag ka mawalan ng pag-asa, lagi kang magdadasal anak,” emosyonal na pagtatapos pa ni Aiai.