Bianca Manalo clears the issue linking her to John Prats

The former beauty queen says she really admires her Happy Yipee Yehey co-host.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

5/24/2011 8:23 AM
Bianca Manalo clears the issue linking her to John Prats


052411-bianca_main.jpgRecently ay inamin ni Bianca Manalo na humahanga siya sa kanyang co-host sa Happy Yipee Yehey na si John Prats. Talented, guwapo at magaling daw kasing sumayaw si John ayon kay Bianca. Madalas ding pumunta ang binata sa dressing room ni Bianca. “Bumibisita sa dressing room sila nina Kuya Randy at John para lang mag-hi! Pero pagiging malapit, hindi po,” bungad ni Bianca. Minsan ay nakunan pa ni Mariel Rodriguez gamit ang kanyang cellphone na magkasama sina John at Bianca sa dressing room at agad na nai-post sa Twitter.

Nagkaroon ng speculations na hiwalay na si John at ang kasintahang si Rachelle Ann Go. Agad namang nag-explain si Mariel kung ano ang nagyari at kung bakit niya ito nagawa. “Kumbaga katuwaan lang, kasi marami ring kinikilig, ano ba naman pakiligin sila. Actually lahat naman talaga, very close ang Happy family. Nagkataon yung moment na yun magkasama sila, so hindi ko pinalampas yung moment na yun. Pangit sabihin na ano, kasi nga may girlfriend si Pratty, nire-respeto natin si Rachelle, love natin yun,” paglilinaw ni Mariel.

Nagbigay ng mensahe si Bianca kay Rachelle Ann dahil sa issue sa kanila. “Hi! Rachelle don’t worry, wala yun, nagulat kami actually biglang nagkaroon ng John-Ca love team huh! Nag-umpisa ‘yan asaran sa Ikaw Ang Bida eh, so doon nag-start hanggang sa naging ganito, nag-end up kami ang tinutukso,” pahayag ni Bianca.

Nakita rin pala ni Rachelle Ann ang nasabing photo nina John at Bianca sa Twitter. “May nag-send po sa akin ng link. Ano, pamilya kasi sila doon kumbaga normal na may bonding moment sila doon, sige lang. Hindi naman din kailangan mag-explain, trabaho lang naman,” nakangiting pahayag ni Rachelle Ann.

Ipinagtapat naman ni John na sa ngayon ay hindi sila magkahiwalay ni Rachelle Ann. “Okay naman kami, kami pa rin, at nakakatuwa dami issue, tinatawanan lang namin. She (Rachelle Ann) understands that it’s work, naintindihan niya and I let her feel secured,” seryosong pahayag ni John.