Vice Ganda: 'Ang ganda ko para hindi mahalin ng lalaki'

The comedian shares that the power of love transcends even gender.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/22/2011 9:55 PM
Vice Ganda: 'Ang ganda ko para hindi mahalin ng lalaki'


052311-vice-main.jpgSinabi ni Vice Ganda sa The Buzz na pinagsisisihan niya ang panahon na tinangka niyang wakasan ang sariling buhay na sanhi ng pagiging broken hearted. Pero confident si Vice sa pagsasabing alam niya na kaya siyang mahalin ng isang tunay na lalaki. “Ang ganda ko para hindi mahalin ng lalaki. At saka nakapag-ipon-ipon na rin ako kahit papano,” pagbibiro pa niya. Dagdag pa ng komedyante, naniniwala raw siya sa kapangyarihan ng pag-ibig. “Mahiwaga ang pag-ibig. Ang pag-ibig dadapo kahit kaninong tao, kahit straight, kahit bakla ka, basta dumapo sa ‘yo, iibig at iibig ka, bakla man ‘yon o totoong babae.”  

Sa pagiging bakla, pinakamasakit diumano ang tawagin siyang salot. “(Ang) sakit no’n ‘di ba?” sabi ni Vice. Hindi rin daw niya pinapalampas na kumprontahin ang tao kapag kinukutya siya. “Pinapatulan ko right there and then. ‘Di ko pinapalampas ‘yung pagkakataon, nakikipaglaban ako. Gusto ko doon din mismo sa puntong ‘yon, gusto kong mapaalam sa kanya na mali ‘yung sinasabi niya.

Sa kasalukuyan, si Vice ang isa sa mga pinakasikat na komedyante at araw-araw siyang nakikita sa TV dahil sa daily show na Showtime at ngayon sa pinakabago niyang programa tuwing Linggo, ang Gandang Gabi Vice.

Sa ngayon ay kasama na ni Vice ang kanyang ina at lola na matagal namalagi sa US. Hindi rin itinanggi ni Vice na nagkaroon din siya ng sama ng loob noong bata pa siya nang lumisan ang ina para magtrabaho sa ibang bansa. Pero ngayon ay nauunawaan na raw niya ang sakripisyo ng kanyang magulang. Naging emosyunal si Vice nang magbigay ng mensahe para sa kanyang ina. “Nasaktan mo ako noon, ng ‘di mo sinasadya, nagalit ako sa ‘yo. Itinuring kong kasalanan ‘yung ginawa mo sa akin. Pero ngayon napatawad na kita, wala na akong galit, puro pagmamahal na lang. Ang sarap ng buhay, bakit sasayangin ko sa galit? Magmahalan na lang tayo.

Nang tanungin ni Boy Abunda si Vice kung gaano siya kayaman, ang sagot nito, “Hindi ko sasabihin para huwag naman ako magmukhang mayabang sa sambayang sumusuporta sa akin at para manatiling nag-iisip ‘yung mga naiinggit. Joke lang,” pagpapatawa niya.

Open naman daw si Vice pangalanan kung sino ang kanyang mga crush na artistang lalaki pero hindi na lang daw siya magsasalita kung sino talaga ang namumukod-tangi. “Ayokong sabihin ang pangalan kasi malalaman nilang hindi pala sila (ang crush ko), gagawa na naman ako ng gulo,” halakhak niya. Pero inamin din ni Vice may lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.