Male actor bumigay sa isang male dancer!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

5/23/2011 2:31 AM
Male actor bumigay sa isang male dancer!


052311-blinditem.jpgSA unang tingin, hindi mo iisipin na berde ang dugo (read: gay) ng isang male actor. Produkto ito ng isang reality search. Pero sa mga tunay na nakakikilala dito, kumpirmadong gay ang male actor.

Kamakailan, sa isang sikat na resort ay nagbakasyon ang male actor. Doon ay nakasama niya ang ilang celebrities. Umiral ang kaelyahan ng closetang aktor. Ayun, isang member ng dance group ang kinalantare niya. Nagkataon na mahilig din sa kapwa bading ang male dancer kaya nagkaayos sila.

Sa restroom ng isang bar naganap ang landian ng aktor at male dancer. Ang hindi nila alam, may nakakita sa kanila nang gawin nila ang "milagro" kaya pagbalik ng Maynila, kalat na ang nasabing balita.

Kailangang maging discreet ng male actor dahil kapag tinuluy-tuloy niya ang paglalandi in public, magiging laman siya ng mga usapan ng mga bading sa showbiz.