• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes answers issues linking her to Sam Concepcion, Sam Milby and Enchong Dee

Julia Montes answers issues linking her to Sam Concepcion, Sam Milby and Enchong Dee

With all the opportunities coming her way, Julia Montes says she wants to focus on her career first.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/22/2011 10:15 PM
Julia Montes answers issues linking her to Sam Concepcion, Sam Milby and Enchong Dee


052311-julia-main.jpgNaging emosyunal si Julia Montes sa The Buzz nitong Linggo nang balikan niya ang pinagdaanan niya bago siya naging sikat. Kuwento pa ng batang aktres, nagkaroon pa sila noon ng utang dahil sa kakapunta sa mga VTR sa pag-asang mabigyan ng proyekto kahit maliit lamang upang kumita. Nangiti siya nang biruin siya ni Toni na bayad na siya ngayon sa lahat ng utang dahil sa dami ng proyektong nakukuha niya. “Thank you kay God,” sambit ni Julia na gumaganap na Clara sa patapos nang top rating soap na Mara Clara.

Samantala, maraming actor ang nalilink sa young star ngayon na kinabibilangan nina Sam Concepcion, Sam Milby at Enchong Dee.

Ang magiging kapareha ngayon ni Julia sa kanyang upcoming movie ay si Sam Concepcion na naging kaibigan na niya simula ng magkatrabaho sila sa defunt TV show na Shout Out. “Since Shout Out doon po nabuo ang bonding. Before nagkikita naman sa ASAP, nagkakapareho ng prod (production numbers) pero naging close talaga sa Shout Out.

Wala naman daw katotohanan ang mga bali-balitang nagkakamabutihan na raw sila ng Fil-Am actor na si Sam Milby. “Nagugulat ako sa mga isyu,” natatawang sagot ni Julia. Paliwanag niya, bukod sa malayo ang agwat ng edad ay malayo rin daw ang antas nila sa buhay. “Nagugulat po ako sa mga isyu kasi wala po talaga,” paniniyak ng 16-anyos na dalaga. Wala raw katotohanan ang mga isyung textmates sila ng aktor. Nagkikita lang daw sila sa ASAP at nagkakabatian.

Pero sa lahat ng nali-link sa kanya, pinakamatunog ang pagkaka-link niya kay Enchong. Diumano’y two months na silang magkarelasyon ng aktor. Nabuo raw ang pagkakaibigan nila dahil sa Shout Out pero aniya, walang katotohanang may relasyon sila. Hindi rin daw siya sigurado kung may pag-asa si Enchong kung sakaling manligaw siya. “Guwapo naman po talaga si Enchong pero ayoko pa munang magsalita ng ano (tapos), pero work po muna ngayon kasi sa ibinibigay sa aking opportunity, ayoko munang sayangin.”  

Sa kabilang banda, kung magkaaway daw sila ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara, sa totoong buhay daw ay sobrang magkasundo sila. Sinabi pa nga na umattend sila ng isang party kung saan parang kambal ang dalawa na parehas pa ng suot na sapatos. Nagkakilala sila at naging malapit sa Goin’ Bulilit noong mga bata pa sila. “Andami po kasi namin in common so ‘pag nagso-shopping pareho ng tinitingnan. Minsan magkatinginan lang kami alam na namin ang gusto namin.”