• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado on Luis Manzano: 'You're the one that made me smile again.'

Jennylyn Mercado on Luis Manzano: 'You're the one that made me smile again.'

Jennylyn Mercado says Luis Manzano possesses all the good qualities a woman is looking for in a man.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

5/22/2011 10:37 PM
Jennylyn Mercado on Luis Manzano: 'You're the one that made me smile again.'


052311-jen-main.jpgLumilikha ng malaking ingay ngayon sa showbiz ang pag-amin noong Sabado, May 21, ni Luis Manzano na nagdi-date sila ng aktres na si Jennylyn Mercado. Coincidentally ay parehong nanggaling ang dalawa sa masaklap na paghihiwalay sa kani-kanilang karelasyon na mga taga-showbiz din – si Luis kay Angel Locsin at si Jennylyn kay Dennis Trillo.

Nagsimula umano ang pagkakaibigan ng dalawa nang naging madalas ang kanilang pagkikita sa mga events. Sparring buddies din ang dalawa sa sports na Muay Thai at Jiu-jitsu. Kuwento ni Luis, nagkakilala na rin daw sina Jennylyn at Batangas Gov. Vilma Santos noong nakalipas na Holy Week.

Mukhang positibo rin ang senyales para sa pagkakamabutihan ng dalawa na matutukoy sa ipinadalang official statement ni Jennylyn sa The Buzz. Laman nito ang mga papuri niya kay Luis at sinabi pang ang lahat ng katangiang hanap ng isang babae ay taglay ng actor-host.

Narito ang nilalaman ng pahayag ni Jennylyn:  

“I feel overwhelmed sa mga sinabi niya. He is really such a sweet guy for saying all those nice things about me. He is actually the first guy na nagpa-interview to defend and praise me. He did what the others didn’t do, ipinagtanggol niya ako. And for that I am very thankful and lucky.

“Luis is what you really call a true gentleman. Kahit sinong babae napakaswerte na maging kaibigan siya. Kasi lahat ng gusto ng babae meron siya. Gwapo, matangkad, edukado, ganda ng katawan (naks!) good sense of humor, intelligent, and most of all, he knows how to treat a lady.

“Thanks Luis for the support and also for always making me laugh. You are the one that made me smile again. Thanks for that. Sa susunod na sparring natin ha, galingan mo na para ‘di na kita matalo.”